Naging inspirasyon sa marami ang isang lalaking isinilang at lumaki sa kulungan kasama ang kanyang ina at lola. Sa kabila ng kanyang sitwasyon ay nagawa niyang makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo. Aminado siya na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan simula nang siya ay lumaki sa kulungan hanggang sa kasalukuyan. Ngunit, nagsumikap at ipingpatuloy pa rin niya ang kanyang buhay sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.
Hindi niya ikinahiyå ang kanyang pinanggalingan matapos na isilang at lumaki sa Angeles City Jail sa Pampanga kasama ang lola at ang kanyang ina.
Ang dating paslit na nagsumikap na makapag-aral ang ngayon isa ng ganap na guro si Paolo Oliver Pili, 27-anyos. Ipinagbubuntis umano siya ng kanyang ina noon nang makul0ng ito kasama ang kanyang lola sa kas0ng estafa.
Naging tirahan na ni Paolo ang kulungan simula nang siya ay ipinganak at hanggang sa lumaki. Pumayag ang pamunuan ng city jail na doon na lamang palakihin si Paolo dahil wala din sila komunikasyon sa iba pa nilang kaanak.
Kwento pa ni Paolo, mayroon umano ang kanyang ina na maliit na tindahan sa loob ng kulungan na napagkukunan nila ng panggastos. Nagsimula na rin siya noon na mag-aral ng elementarya sa isang paaralan na malapit sa kulungan.
Marami din umanong gustong umampon kay Paolo ngunit hindi siya pumayag bagkus ay pinili pa rin niya ang kanyan ina at lola. Nakapagtapos si Paolo ng kolehiyo sa kursong BS Education sa Holy Angel University sa tulong ng iba pang mga bilanggo, jail officers at ilang pari sa Pampanga at naging iskolar siya sa nasabing unibersidad.
Kasalukyan namang kumukuha ng Master’s Degree in Physical Education and Sports si Paolo at masaya na ring namumuhay at gumagawa ng mga bagong ala-alasa labas ng bilangguan kasama ang kanyang ina at lola.
Siguro isa sa mga reason kaya siguro natapos ko o naabot ko ang mga pangarap ko dahil sa pagiging positive person ko,” ani ni Paolo.
“I don’t think the things around me as a negative kasi yung mga prisoner doon, makikita mo ang bibigat ng nararamdaman nila pero lumalaban sila. They continue to pray, they continue hoping na one day they will go outside and I achieved that attitude,” dagdag pa niya.
Watch | Isang Online Seller, Kinaaliwan sa Kanyang Kakaibang Paraan ng Pagbebenta!.
Sa panahon ngayon ay talagang nauuso na ang mga online selling. Sa pamamagitan ng internet ay mas napapadali ang pagbebenta at pamimili dahil online mo ng makikita ang mga produkto. May mga pagkain, mayroon ding mga damit at may mga gamit na din na makikita sa internet. Kung dati ay sa palengke at mall lang makakita ng mga bagay na hinahanap natin, ngayon ay kahit sa internet ay mahahanap mo na.
Mas madaling mamili ngayon dahil pati ang bayad ay online na rin. At hindi mo na rin kailangan lumabas para mamili dahil mga mga delivery rider na magde-deliver nito para sa inyo.
Kakaibang gimik naman ang ginawang paraan ng pagtitinda ng isang online seller. Sa kanyang facebook page na Daisy_licious Ukay ay nagla-live siya para mag-alok ng kanyang mga panindang damit. Kinaaliwan siya ng mga taong nanonood sa kanyang live, at imbis na sila ay mag-“mine” ay masaya lamang nilang pinapanood ang online seller.
May ilan naman na nag-sesend ng pera sa kanyang Gcash number dahil naaaliw sa kanya. Tila naging isang ‘entertainment’ ang kanyang live selling. Kada live niya ay libo-libo ang mga nanood sa kanya, dahil sa mga nakakatawang salita nito.
Kasalukuyang may 323k na likes na ang kanyang facebook page at 372k followers. Marami na ang mga video clip niya na nag-viviral ngayon online. Layunin niya na bukod sa makabenta ng mga tinda niyang ukay ay makapagbigay din ng saya sa mga tao lalo na sa panahon ngayon na may kinahaharåp tayong pand3mya.
Narito ang isa sa kanyang mga video: