Home Tech Larawan ni Mygz Molino na mahaba ang balbas at biglaang pagpayat nito...

Larawan ni Mygz Molino na mahaba ang balbas at biglaang pagpayat nito umani ng samut-saring komento ngayon!

Matapos ang pagkawala ni Mahal Tesorero, kapansin pansin ang biglaang pagpayat ni Mygz Molino.

Labingwalong araw na din ang nakalipas simula nang mamaalam sa mundo si Mahal. Pero nito lang nadalaw ni Mygz ang puntod ng yumaong aktres.

Kinailangan kasi muna mag quarantine si Mygz kasama na din ang kanyang pamilya matapos mag pösitibō si Mahal sā CØVÎD-19.

Sa pag dalaw nila sa puntod ng dating aktres at komedyante, nagbahagi ng ilang larawan ang male vlogger sa kanyang social media.

Masaya ang kanilang mga tagasubaybay na sa wakas ay napuntahan na ni Mygz si Mahal.

Pero bukod dito, maraming netizens din ang nakapansin na tila bumagsak daw ang katawan ni Mygz kasabay na ang pag haba ng kanyang bigote at balbas.

Nagaalala naman ang kanilang mga taga suporta para sa kanya dahil panigurado daw ay hanggang ngayon nagluluksa pa din siya sa pagkawala ni Mahal.

Sa comment section, bumuhos ang pagmamahal at paghihikayat ng mga netizens kay Mygz na maging malakas pa din ito para kay Mahal.

Napansin daw nila ang pag payat nito kaya naman hindi sila maiwasan ang mag alala.

Mga kapatid ni Mahal, lubos na nagpapasalamat kay Mygz Molino dahil sa hindi pag-iwan nito sa nag-aagaw buhay nilang kapatid

Masakit at nagdadalamhati pa din ang mga naiwang kapatid ni Mahal Tesorero.

Pumanaw ang komedyante nito lamang ika-31 ng Agosto. Nagulantang ang mga fans ni Mahal sa nakakalungkot na balita.

Para sa kanila, naging biglaan ang pag alis nito sa mundo dahil nito lang mga nakalipas na linggo, naging aktibo pa sa social media ang dating komedyante.

Matatandaan na binista pa ni Mahal ang love team at on screen partner niya noon na si Mura. Binigyan pa niya ito ng tulong dahil hirap na sa paglalakad si Mura ngayon.

Ilang araw na din ang lumipas simula nang namayapa si Mahal pero ang kanyang mga kapatid, hindi pa din lubusang matanggap ang kanyang pagkawala.

Sa kabilang banda, malaki din ang pasasalamat ng mga kapatid niya na sina Lani at Jason kay Mygz Molino.

Nilinaw naman nila na hindi nila isinisisi kay Mygz ang nangyari sa kanilang kapatid. Sa totoo pa nga, pinasalamatan pa nila ito.

Nagpasalamat si Lani at Jason dahil hindi daw iniwan ni Mygz ang kanilang kapatid hanggang sa huling sandali.
Makikita sa mga YouTube vlogs ni Mahal na naging masaya siya kasama si Mygz. Kinagiliwan din sila ng maraming netizens.

Mygz Molino ipinakita ang pagpapahalaga kay Mahal, hindi iniwan ang komedyana hanggang sa huling hininga nito

Pinatunayan ni Mygz Molino na lagi siyang nakaagapay kay Mahal kahit pa sa huling sandali nito.

Sa pamamaalam ni Mahal ay marami nga ang nalungkot. Ikinabigla ng showbiz industry ang kanyang biglaang pamamaalam.

Sa gitna ng pagluluksa ng industriya, ipinakita ni Mygz ang pagpapahalaga niya sa kanyang partner.

Ilang mga malalambing na videos at litrato nga nila ngayon na magkasama ang binalikan ng mga netizens.

Katulad na lamang noong binati ni Mygz si Mahal sa kaarawan nito noong nakaraang taon. Kalakip ng kanilang mga sweet photos isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng Indie actor.

Hindi maikakaila ang closeness ni Mgyz Molino at ni Mahal.

Taong 2014 ang unang public photo niya kasama si Mahal ngunit nakatrabaho niya noong 2012 ang komediyante para sa pelikulang ‘Id’Nal.’

Lumipas ang mga taon at lalo lang naging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Ang ilan pa sa kanilang videos, mapapansin ang kanilang kulitan at lambingan.

Mukhang brusko at malakas man, malambing at maalaga talaga si Mygz Molino. At hindi niya hinahayaan na maging malungkot si Mahal habang nasa piling niya ito.