Home Tech Lie Reposposa, naging usap-usapan matapos maglabas ng sama ng loob sa kanyang...

Lie Reposposa, naging usap-usapan matapos maglabas ng sama ng loob sa kanyang guro sa Alternative Learning System na tinawag pa umano siya feeling artista

Pagkadismaya at lungkot ang nadarama ng dating housemate sa Bahay ni Kuya at singer na si Lie Reposposa.

Ito ay dahil sa kanyang naranasan sa isang guro diumano na sinisiraan siya sa kanilang GC o group chat.

Si Lie ay nag-aaral ng ALS o Alternative Learning System upang mapagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Pangarap umano kasi ng singer na makatapos ng pag-aaral.

Ngunit dahil sa kanyang pagka-aala sa trabaho minsan ay nahuhuli siya sa pagpasa ng mga requirements at projects na kailangan sa kanilang paaralan.

Kaya naman hindi niya mawari ng malaman niyang kung anu-anong salita na pala ang binibitawan sa kanya ng isang guro umano.

Nanghingi siya ng tulong dito ngunit imbes na tulong ang kanyang matanggap ay pamamahiya ang ibinigay nito.

Agad namang ibinahagi ni Lie sa kanyang social media accounts ang mga screen shot ng usapan sa GC kasama ang nasabing guro umano.

Kung saan makikita na tinawag pa si Lie ng nasabing guro na “feeling artista”.

“Diko alam anong mararamdaman ko maiiyak ba ako o maiinis. Gusto ko lang naman pag sabayin yong pag aaral at pagtatrabaho. Kaya nag ALS ako para matulungan ko magulang ko at para din sa future kahit papano. Makapag tapos nako. kaso di talaga mawawala mga gantong tao na gagawa ng paraan para pag mukhain kang walang alam,” panimula ni Lie.

Dagdag pa niya, “Sige po kayo nalang matalino kasi nakapagpasa kayo ng module at portfolio ng buo e. Ako kasi di ko kaya magbayad ng malaki para bigyan ng pasang awa na grades. Salamat sa Acting Teacher jan. Godbless ang Panginoon na bahala sayo.”

MayMay Entrata at Lie Reposposa kumasa sa Bisaya Song Lyrics transformation sa latest vlog ni Kim Chiu

Nagsamasama sa isang vlog ang mga dating housemate sa pamosong Bahay ni Kuya.

Kinaaaliwan ngayon ng mga netizens ang latest vlog update ni Kim Chiu.

Kung saan nakasama niya sina Maymay Entrata at Lie Reposposa.

Ginawa ng tatlong former Pinoy Big Brother housemates ang “Bisaya Challenge. ” Kilala sina Kim, Maymay, at Lie na pare-parehong may lahing Bisaya.

Kaya naman game na game sila sa challenge na ito.

Ang kanilang ginawa ay ita-translate nila sa Bisaya version ang ilang sikata na English at Tagalog songs.

Kabilang dito ay ang Giveon’s ‘Heartbreak Anniversary’, Taylor Swift’s ‘Love Story’, Arianna Grande and Lady Gaga’s ‘Rain on Me’, Gary Valenciano’s ‘Sana Maulit Muli’, Sarah Geronimo’s ‘Forever’s Not Enough’, Lil Vinceyy’s ‘Chinita Girl’, at Juan Caoile’s ‘Binibining Marikit’.

Karamihan sa mga kanta ay na-translate nila ng maayos, ngunit may ilan din na nahirapan silang hanapan ng Bisaya translation.

At ito ang pinagmumulan ng kanilang nakakatuwang halakhakan.

Ginanap ang nasabing video habang sila ay nasa dressing room ng ASAP.

Sa simula ng video ay kanya kanyang bati pa sa wikang Bisaya sina Kim, Maymay at Lie.

Nagtalo pa nga sina Maymay at Lie kung kanino mapupunta ang English at Tagalog Lyrics.

Pinili naman ni Lie na sa kanya daw ang English at kay Maymay naman ang Tagalog. Sa huli ay si Maymay naman ang nakakuha ng pinakamaraming tamang translation.

Samantala, maraming netizens naman ang naaliw sa video ng tatlo.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Obviouly, Maymay is the smartest among them.”

“Nakakaluka tong si maymay at Kim mag tawanan hampas dun hampas dito hehe sakit tyan q kakatawa sayong dalawa”

“Bisaya only can relate.. grabe ako katawa”

Panoorin dito ang full video: