Home Tech Lolit Solis, diretsahang sinabing maswerte si LJ Reyes dahil rumampa ito sa...

Lolit Solis, diretsahang sinabing maswerte si LJ Reyes dahil rumampa ito sa New York samantalang si Yen Santos pang-Baguio lang daw!

Nagbigay muli ng kanyang komento si Lolit Solis tungkol sa issue nina LJ Reyes, Paolo Contis at Yen Santos.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Lolit na hindi siya sigurado kung gusto ni Yen ang sitwasyon niya ngayon.
Lalo na’t alam umano ng aktres ang kalagayan ngayon ni Paolo Contis.

Ani Lolit, “Ewan ko kung gusto din ni Yen Santos ng ganitong kaguluhan sa buhay niya kaya kahit pa nga alam na niya ang kalagayan ni Paolo eh Ok lang sa kanya na magamit as ‘friend’

Ibinahagi din ng batikang kolumnista ang kanyang saloobin tungkol sa mga isyung nagaganap kina LJ, Paolo, at Yen.

“Hay naku, never ending serye talaga ang istoryang ito,” saad ni Manay Lolit.

Hanggang sa sinabi nitong swerte umano si LJ dahil pang New York ang eksena ng Kapuso actress. Habang si Yen naman ay hanggang sa Baguio lang ang rampa.

“…At least rumarampa na sa New York si LJReyes. At suwerte siya, New York ang eksena niya, pang Baguio lang si Yen Santos. Habang naka lock in naman si Paolo Contis. Tatlong lugar sila ha, iba ibang eksena, magastos sa production,” pagbabahagi pa ng manager ni Paolo.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagbigay na ng kanyang pahayag si Paolo ukol sa kinasasangkutang intriga.

Based sa comments sa sorry post ni Paolo, marami pa rin ang galit sa kanya at hindi naniniwala sa mga paliwanag niya. Lalo na ‘yung sinabing one day lang silang magkasama ni Yen sa Baguio City.

Lolit Solis may pahayag tungkol sa 40yrs. age gap rumored relationship nina Albert Martinez at Faith Da Silva

So what kung mu­ling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa

Ito ang naging pahayag ni Lolit Solis sa bali-balitang relasyon umano ni Albert sa Kapuso actress na si Faith Da Silva.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanayang saloobin ukol sa 40yrs. age gap ng dalawa.

Ayon sa batikang kolumnista ay wala naman umanong masama dahil parehas umanong single sina Albert at Faith.

Matagal naman na umanong balo si Albert at nasa tamang edad na si Faith.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay,’ saad ni Lolit.

“At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Pagpapatuloy niya pa, “Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay”

“dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7.”

 

Consistent ang rumor kina Albert at anak ni Dennis Da Silva na si Faith.

Magkasama ang dalawa sa lock-in taping para sa teleseryeng Las Hermanas.

Nauna na itong na-blind item sa Take It… Per Minute, Me Ganon weeks ago na ibinuking ni Lolit sa programa nila nina Cristy Fermins and Mr. Fu.

Uso na umano ngayon ang May-December affair kaya wala naman sigurong problema kung sila nga.