Lolit Solis, inimbitahan si Kylie Padilla sa kanilang programa dahil naniniwalang mali si Aljur Abrenica sa mga salitang binitiwan nito

Naniniwala si Lolit Solis na mali ang mga akusasyon ni Aljur Abrenica sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.

Hanggang ngayon nga ay hot topic pa din sa social media ang tungkol sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.
Marami na din ang nadamay at nakisawsaw. Mga nagbigay ng kani-kanilang pahayag at mga saloobin.

Kamakailan nga ay si Cristy Fermin ang nagsalita ukol dito at nagbato ng akusasyon laban sa Kapuso actress.

Hindi naman ito pinalampas ni Kylie at nagbitaw din siya ng maaanghang na salita laban sa batikang kolumnista.

Samantala, sa kanya namang Instagram post kamakailan, hindi din nagpahuli si Lolit Solis sa isyung ito.

Ayon kay Lolit na sigurado siyang maiintindihan ng kaniyang kaibigang si Cristy Fermin ang nasabi ni Kylie laban sa kaniya at tinitiyak niyang nasambit lamang ni Kylie ito dahil sa galit.

Aniya, “Sure ako na maiintindihan ni Cristy Fermin iyon outburst ng galit ni Kylie Padilla. Iyon parang sagot niya sa mga issue na inilalabas ni Aljur Abrenica.”

“Pinaka masakit na bintang sa isang babae na may asawa iyon sinabi ni Aljur, na nag cheat si Kylie. Kaya siguro di narin napigilan si Kylie na sumagot , pero sure ako na ready din siya na magbigay paliwanag kay Cristy,” pagpapatuloy pa nito.

Sinabi rin nito na maaaring way lamang din ni Kylie ang pagsasabi ng ganun upang magbigay warning kay Aljur na tigilan na ang paglalabas ng kung ano tungkol sa kanilang hiwalayan.

Sa huli ay iniimbitahan ni Lolit si Kylie sa kanilang programa. Upang maibahagi daw ng aktres ang kanyang side sa publiko.

Narito ang kabuuan ng post ni Lolit Solis:

Lolit Solis deretsahang sinabi na uubusin lang ng alagang si Paolo Contis ang mga naipon ni Yen Santos

Isang patutsada na naman ang ibinato ni Lolit Solis laban sa kanyang alaga na si Paolo Contis.

Sa episode ng kanilang online show na  “Take It …. Per Minute, Me Ganun!” kasama sina Cristy Fermin at Mr. Fu. Napag-usapan ng tatlong host sina Yen Santos at Paolo Contis.

Ayon nga kay Manay Lolit ay never ending story ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Yen at Paolo.

Sa isang bahagi ng kanilang pag-uusap isang maanghang na salita na naman ang binitawan ni Lolit sa kanyang alaga.

Tungkol sa pera kasi ang tinatalakay nila sa parteng iyon ng kanilang online show.

Sabi ni Lolit:  “Pero hindi, maninibago si Yen kay Paolo”
Tanong ni Cristy: “Bakit?”

Sagot ni Lolit: “Walang kasing dami ng datung dun sa pinanggalingan niyang.. si Paolo. Baka siya pa gumasta sa Baguio,.. Knowing Paolo…”

Sabi naman ni Cristy habang inilarawan si Yen:  “Si Yen yung literal na tinatawag na babaeng may brilyante sa pinakamahalagang bahagi.”

Biglang hirit naman ni Manay Lolit, “Sumisirko?” Ayon naman kay Cristy malakas daw ang charisma ni Yen. At lapitin daw talaga ang aktres ng mga lalaki.

Saad naman ni Mr. FU, baka nakaipon na daw si Yen. Prangkang pahayag namang muli ni Manay Lolit.

“Ay oo, nakaipon na siya talaga, Uubusin ni Paolo iyon, si Paolo pa…I’m sure, si Paolo pa, jusko.

“Pan-title ‘yan, ‘Lolit Solis, uubusin ni Paolo ang naipon ni Yen: ‘Si Paolo pa,”’ natatawang saad naman ni Cristy.

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang pahayag na ito ni Manay Lolit.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Tawang tawa ako kay Lolit”

“Magaling mag analyze si nay lolit at manay cristy.”

“Napakawalanghiya ng mga to ikinatutuwa nila na yung pangloloko ni Paolo kay LJ mga babae pa naman”