Home News Lolong Nawalan ng Trabaho, Nanlilimos para maibili ng Gatas ang Apo

Lolong Nawalan ng Trabaho, Nanlilimos para maibili ng Gatas ang Apo

Lolong nawalan ng trabaho, nanlilimos para magkaroon ng pambili ng gatas ng kanyang apo.

Dahil sa pandemyang kumakalat ngayon, marami sa atin ang nawalan ng pagkakakitaan.

Ayon sa nagpost ng larawan na si Cherryvin Rivera, naantig ang kanyang puso ng makita niya si Lolo na namamalimos at ng tanungin nya ay para raw sa apo nito para maibili nya ng gatas.


Binigyan ni Cherryvin ng pera ang matanda at agad namang bumili ang matanda ngunit kulang ang binigay nyang pera kaya dinagdagan nya ito upang maibili na ng gatas ang apo nito.

Pag-balik ng matanda ay lubos itong nagpasalamat kay Cherryvin dahil meron ng gatas ang kanyang apo.

Ayon raw sa matanda, nawalan sya ng trabaho dahil sa pandemya kaya pinili nya na lang mamalimos para sa kanyang apo.

Marami ang na-inspired sa ginawa ni Lolo kaya agad itong nag-viral..

Lolo sa Ilocos Norte pinatayuan ng bagong bahay ng grupo ng motorcycle riders

Photos courtesy of ABS-CBN Sa isang barangay sa Maab-Abaca ng Piddig, Ilocos Norte, kung saan nakatira ang isang 88 na taong gulang na lalaki na kinilalang si Lolo Feliciano Domingo. Base sa ulat ng ABS-CBN, nag-iisa lamang sa kanyang munting tahanan na gawa lamang sa pinagtagpi-tapging lumang mga yero at mga kahoy ang matanda. Walang kasamang kamag-anak na mag-aalaga sa kanya.

Wala ring asawa si lolo Feliciano kaya naman nag-iisa lang ito sa buhay. Kaya naman nang makita na isang grupo ng motorcycle riders na Adjo Moto Club-Piddig ang kalagayan ng pobreng matanda, labis na lungkot at pag-aalala ang kanilang naramdaman para kay lolo Feliciano.

Ayon sa kwento ng president ng Adjo Moto Club o AMC-Piddig na si Dhoodz Pajita, “Ang sitwasyon po ni lolo is mag-isa siya sa bahay niya, wala siyang anak, wala pong asawa. Mahirap po yung situation niya,” At dahil madalas namang nagsasagawa ng charity work ang grupo ni Pajita, napagpasyahan sila na magsagawa ng isang charity para kay lolo Feliciano.

Kaya agad nagtulong tulong ang bawat miyembro nila para makaipon ng pondo para sa pagpapatayo ng bahay ng matanda.


Screencap photos from ABS-CBN “Yung pondo po ay galing sa lahat ng members namin bale boluntaryo po sila na nagbibigay, meron po kaming mga member na nasa abroad kaya kapag nalaman po nila na mayroon po kaming charity, kusa po silang nagbibigay kaya ‘yun po ang ginamit namin na pinambili ng mga materyales,” dagdag pa ni Pajita.

Sila na rin mismo ang nagtulong-tulong na gumawa ng bahay nito at matapos ang 12 araw, ay natapos nila ang pagtatayo ng kongkretong bahay ni lolo. Gawa sa kongkreto ang munitng bahay ni lolo, kung saan meron itong matibay na pintuan, bintana, sariling kusina at maging kumportableng higaan na tiyak ay maiibsan na ang pangamba ng matanda.

May pa-house blessing pa ang grupo ni Pajita para sa bagong bahay ni lolo Felicaino. Nagsilbi itong regalo ng grupo para sa nakalipas na Fathers Day. Tuwang-tuwa naman si lolo Feliciano sa kagandahang loob na ipinakita sa kanya ng grupo na ito.
“Nagpapasalamat ako sa grupo na ito,” sabi ni lolo Feliciano sa salitang ilocano. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang grupo sa pagpapatayo ng palikuran naman ni lolo. Feliciano upang makumpleto na ang munting tahanan nito.

Screencap photos from ABS-CBN Bukod pa dyan, binibisita pa rin ng grupo si lolo Feliciano tuwing dalawa hanggang 3 araw kada linggo upang masiguro na  nasa maayos na kalagayan ito.
Isang Matandang Lalaki, Nakatira Lamang sa Maliit na Barung-Barong; Nangangailangan ng Tulong

Marahil ay maituturing na isa sa pinaka mαhιråρ sa buhay ang maging mag-isa, na walang pamilya na kasama at walang kaanak o kaibigan na matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Ito ay nararanasan ngayon ng isang matandang lalaki na naninirahan sa maliit at masikip na barung-barong at halos hindi na siya makaglw o makahiga manlang.

Si Tatay ay nakatira sa Baryo Tabay, Barangay Tominobo, Iligan City. Nag-viral ang kanyang mga larawan sa social media matapos na ibahagi ng concerned netizen na si Xylene Siarot sa kanyang facebook account.

Umabot na sa 35k reactions, 29k comments at 282k shares ang naturang post. Nais ni Xylene na matulungan si Tatay dahil sa kaawå-awå nitong kalagyan.


Labis na nangangailangan ng tulong si Tatay. Sana ay may mabuting kalooban ang magbigay sa kanya ng tulong at komportableng matutuluyan.

Narito ang naturang post ni Xylene sa kanyang facebook account:

“Tay sana matolungan ka sa KMJS.napost nakita tay hintayin mo lang baka puntahan ka dyan.GOD BLESS TATAY.”

Marami naman ang nag-komento sa post at karamihan sa komento ay ang iba’t ibang programa na handang tumulong sa nangangailangan tulad ng Kapus0 Mo, Jessica Soho.