Home News Lolong nawawala nang mahigit 18-oras, nahanap sa tulong ng asong si “Brownie”

Lolong nawawala nang mahigit 18-oras, nahanap sa tulong ng asong si “Brownie”

“Dogs are man’s bestfriend” pinatunayan yan ng isang aso matapos tumulong sa paghahanap sa isang lolo na mahigit 18 oras nang nawawala

Natunton ang kinaroruonan ng matandang si Lolo Ponso sa tulong ng asong si “Brownie” nitong March 25, 2022

Maghahatid sana noon ng pagkain sa mga tauhang nagkokopra sa bukid sa Sitio Kamingawan-Dalupirit Road ang matanda pero hindi na ito nakauwi pa.
Kinaumagahan, sa tulong ni Brownie, natagpuan si tatay Ponso na nakasilong sa ilalim ng isang tumbang puno ng mangga at nagpapahinga.


Sa kabila ng malaking ngiti nang siya’y matagpuan, bakas sa mukha ang pagod at gutom sa mukha ng matanda dahil sa kahahanap ng daan pauwi. Dahil sa katandaan at katagalan nang hindi nagawi sa bukid ay ‘di na niya kabisado ang daan.


Si tatay Ponso ay agad dinala sa San Antonio District Hospital upang mapasuri at masiguro na maayos ang kaniyang kalagayan.