Home News Mag-aama na nahiyang maging pabigat sa tinuluyang bahay, umalis at nagpalaboy

Mag-aama na nahiyang maging pabigat sa tinuluyang bahay, umalis at nagpalaboy

Nalungkot ang mga netizens sa isang Facebook post kung saan nanawagan ito na mabigyan ng pansin ang kalagayan ng mag-aama na nakahiga sa gilid ng simbahan ng Santa Rosa sa bayan ng Paniqui Tarlac.“Paki bigyan po ng pansin nakakaawa nman po mga bata. Dito po sila paikot ikot sa paniqui bayan. Naawa po kasi ako ng makita ko silang magaama na nahiga sa gilid ng simbahan ng santarosa.”ayon sa post ni Norman Valentin.

Kwento ni Norman, nakausap niya umano ang tatay ng mga bata at sinabing taga Tondo, Manila umano sila at napadpad sa Tarlac dahil makikituloy umano sila sa kanyang pinsan.

Larawan mula kay Norman Valentin

“Nakausap ko po ung tatay nila. Taga tondo manila daw po sila. At napadpad sila dito dahil may pinsan daw po siya sa brgy carino na babae. Nov 13 daw po ay nandito na sila.”

Larawan mula kay Norman Valentin
“Babae po pareho ang kanyang dalawang anak 2 year old po ung bunso at 3 year old nman po yung panganay.” dagdag pa nito.

Pagbabahagi ng tatay ng mga bata, umalis sila sa tinuluyang bahay ng kanyang pinsan dahil nahihiya na umano sila na maging pabigat.

“Umabot sila ng dalawang lingo na kinupkop sila ng pinsan niyang babae sa carino. Pero umalis sila pagkatapos gawa ng nahihiya na siya at pabigat na sila sa bahay ng pinsa nya. Sa kadahilanan  na wala narin silang makain. Kaya balaboy laboy sila ngayon sa bayan ng paniqui.”kwento ni Norman.
Larawan mula kay Norman Valentin

Basahin ang buong post ni Norman sa ibaba:

“Paki bigyan po ng pansin nakakaawa nman po mga bata. Dito po sila paikot ikot sa paniqui bayan. Naawa po kasi ako ng makita ko silang magaama na nahiga sa gilid ng simbahan ng santarosa. Babae po pareho ang kanyang dalawang anak 2 year old po ung bunso at 3 year old nman po yung panganay. Nakausap ko po ung tatay nila. Taga tondo manila daw po sila. At napadpad sila dito dahil may pinsan daw po siya sa brgy carino na babae. Nov 13 daw po ay nandito na sila. Kaya lang po sila nakarating dito ay nakisakay lang daw po sila sa mga byaherong mga truck. Mula tondo manila hangang tarlac. At nakarating po sila sa carino sa kanyang pinsan. Umabot sila ng dalawang lingo na kinupkop sila ng pinsan niyang babae sa carino. Pero umalis sila pagkatapos gawa ng nahihiya na siya at pabigat na sila sa bahay ng pinsa nya. Sa kadahilanan  na wala narin silang makain. Kaya balaboy laboy sila ngayon sa bayan ng paniqui. Sana po ay matulungan natin si tatay kaawa awa nman. Tatay nanay po xa at hindi makapag trabaho dahil sa kanyang mga anak. Maraming salamat po sana makatulong po tayo sa kapwa natin kahit maliit na bagay lang kahit dayo lang sila dito. Sana po paki share nalang po.”

Isang Lola ang nag-sumikap bilhan ng cellphone ang kanyang anak para sa online learning, dahil sa kahirapan

Kung gusto. may paraan; isama pa ang tamang pagkakataon – makukuha ang isang bagay na pinaghirapan, lalo na kung para naman sa pinakamamahal.

Viral ngayon ang isang larawan ng isang lolang masayang-masayang nanonood sa kaniyang apong sabik na sabik naman sa pagbubukas ng bago niyang cellphone habang nakaupo sila sa hagdan sa labas ng isang mall.

Ayon sa isang delivery service rider na si John Mico Tan, naghihintay raw siya ng kaniyang order sa isang restaurant sa naturang mall nitong Lunes nang makita ang mag-lola.

Naalala niya raw rito ang kaniyang mga magulang kaya kinunan niya ng litrato ang dalawa upang ibahagi sa kaniyang mga kaibigan. At naantig nga ang mga netizens nang masilayan ang social media post ni Tan.

“Nakita ko sa bata, at saka kay Nanay na parang tuwang-tuwa sila – parang batang nagkaroon ng bagong laruan. Nakita naman natin kay Nanay… kung gaano niya kamahal ‘yong apo niya para bilhan niya ng gano’ng phone.”

Nang mag-trending daw ang naturang larawan, marami raw ang nagtanong kay Tan kung ano ang pangalan at iba pang impormasyon tungkol sa dalawa dahil nais daw nilang maghatid ng tulong.

Dahil dito, in-edit daw muna ni Tan ang kaniyang post at nagtanong na rin kung may nakakikilala sa mag-lola. Dahil sa viral post, nahanap nga ang mag-lola.

Sa isang ulat na ibinalita ng “24 Oras,” natunton nila ang 63-anyos na si Emma Abucay – Monta at ang kaniyang 12 taong gulang na apo na si Kevin.

Nakatira sila sa isang kubo sa Muntinlupa – tagpi-tagpi ang bubong at kailangan daw lagyan ng board ang kanilang kuwarto upang magpantay ang kanilang tutulugan. Sa pareho ring lugar makikita ang ikinabubuhay ni Lola Emma, ang kaniyang anak, at ang kaniyang dalawang apo – paggagabi o paghihimay ng mga dahon ng gabi.

Kumikita raw sila ng P200 hanggang P300 kung sinisuwerte at sapat na raw ito upang makakain sila sa pang-araw-araw nilang buhay. Minsan, kung hindi raw pinapalad si Lola Emma ay wala talagang siyang nauuwi para sa kaniyang pamilya.

Si Lola Emma na raw talaga ang nagtataguyod sa kaniyang pamilya. Kaya, masakit daw para sa kaniya na sa ℓσσb ng dalawang taon ay hindi niya maibigay ang tanging hiling ng kaniyang apo na si Kevin – ang magkaroon ng smartphone.

“Pagkain ang unahin natin. Ibigay ni Lord ‘yong pinapangarap niya. Makakabili ka pagdating ng panahon,” ani Lola Emma.

At sa pamamagitan ng paggagabi, dahan-dahang nakaipon ng P2,500 sina Lola Emma, Kevin at ang ina nito. At noong Lunes nga ang tamang panahon upang makabili sila ng cellphone.

Sakto nga raw ang pagkakataong ito dahil maliban sa natupad na ang munting pangarap ni Kevin ay magagamit niya na ito sa kaniyang pag-aaral.

“May magamit na siya, lalo na ngayon – enrollment na. Kalat na ang balita na mag-enroll daw sa paraan na makausap mo daw ‘yong teacher,” sabi ni Lola Emma.

Kuwento pa ng mapagmahal na lola, hindi raw mapigilan ng kaniyang apo ang kasiyahan nang makalabas sila ng mall dahil sa kaniyang bagong cellphone. Sa sobra nitong excited ay nαsιrα pa raw ang mismong kahon nito.

Hindi namalayan ng mag-lola na hindi pala sila nαg-ιιsα: kasama nila ang libo-libong mga netizens na nakakita sa kanilang larawan.

Ang naturang post ni Tan ang nagsilbing tulay upang maipaabot sa pamilya ni Lola Emma ang tulong na nais ihatid ng mga taong naantig sa kanilang litrato.

Marami raw kasi ang nagme-message kay Tan na mga taong nais tumulong sa mag-lola – mga nais magbigay ng pagkain, magbigay ng mas magandang cellphone, ibalik ang perang ipinambili ng mag-lola, at nais daw magbayad ng Internet ni Kevin sa loob ng isang taon.

Ani Lola Emma, “Million million times pasalamat. Walang mapaglagyan sa pasalamat… Lahat-lahat ng tao na may pusong mapagmahal sa kapuwa. Masaya akong nakaharap ko kayo.”

“Wala talagang tatalo sa pagmamahal ng isang nanay, o ng lola,” sabi naman ng uploader na si Mico.

Sabi nila, hindi mo kasalanang ipanganak ng mahirap. Magiging kasalanan lamang ito kung hahayaan mong habang buhay kang malugmok sa kahirapan.

Bilang isang magulang, responsibilidad mong ibigay ang mga pangangailangan ng iyong mga anak.

Sa pag papamilya, unang una mong dapat isipin ay kung paano ang magiging buhay ng bawat miyembro nito. Kaya naman hindi ito biro.

Hindi lang basta pag mamahal at pag aaruga. Dapat ay may sapat kang ipon at pera na bubuhay sa inyo sa bawat araw ng pag gising niyo.

May maihahain sa hapag kainan, may damit na maisusuot, may bahay na masisilungan.

Kung ang isang normal na namumuhay na pamilya ay nahihirapan ano pa kaya ang mga pamilyang maski gatas na sana ay pagkukunan ng mga sustansya ay hindi mabili para sa kanilang anak.

Ganoon na lamang kahirap ang dinaranas ng pamilya Safiruddin at Anita. Wala nang ibang paraan para mapakain ang kanilang 6 na buwang sanggol kaya naman imbis na gatas ay kape na lamang ang ipinapainom dito.

Ang ikinabubuhay ng mag asawa ay ang pag tatrabaho lamang sa isang coconut plantation at sinasahuran lamang sila ng 20,000 Indonesian Ruppees na katumbas ay P50 lamang.

Sa araw araw nap ag sahod nila ay hindi pa sapat para sa kanila upang makakain ng 3 beses isang araw paano pa kaya ang ilan pang gastusin at kanilang anak

Tanging mumurahing butil ng kape ang kanilang pinapakuluan at pag lalagay ng kaunting asukal dito ang ipinapainom sa kanilang anak.

Masakit sa kanila bilang magulang na imbis na sila na lamang ang nahihirapan ay nadadamay pa ang kanilang anak. Hiling ng mag asawa n asana ay umabot ito sa nasa itaas ng sa gayon ay mabigyan sila kahit kaunting tulong. Sa kabilang banda, patuloy pa din ang pag-analisa ng Local Social Welfare Officers sa mga magiging epekto ng kape sa katawan ng bata upang malaman ang dapat ibigay para sa nagkulang na nutrisyon nito sa katawan.

Isang Frontliner muli ang hinangaan ng mga netizen matapos bigyan ng pagkain ang isang lolo na wala pangkain

Ngayong ραndεmιүα, hindi maipagkakaila na mas lalong lumabas ang pagka-bayanihan ng mga Pilipino. Marami ang nagbigay ng tulong sa ating kapwa, lalo na sa lubos na nangangailangan sa abot ng kanilang makakaya.

Kaya naman nakakatuwang isip na sa kabila ng hirap at pagsubok na kinakaharap natin ngayon, may mga tao pa din talaga na handang mag-abot ng tulong para sa kanilang kapwa, kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami ang ginawa ng lalaki na ito sa isang matandang lalaki na binigyan niya ng pagkain.


Ayon sa post ng netizen na si Russel Victor Castro, dumaan umano ang matanda sa Batiano checkpoint. Saad ng Lolo ay pupunta siya ng palenge upang bumili ng isda. hindi maiwasan ni Russel na mag-alala para sa matanda dahil sa paglalakad nito sa kainitang tapat, lalo na sa kaniyang edad.

Nang tanungin kung wala ng ρωεdεng ibang utusan na kapamilya ni Lolo, sumagot ang matanda na ayos lang naman sa kaniya na siya na ang bumili, dahil wala pa ang kaniyang kasama noong mga sandaling iyon, naisipan ni Russel na ibigay na lamang kay Lolo ang pagkain para sa kaniyang kasama dahil hindi pa kumakain ang matanda.

Kalakip ng post ni Russel ay ang mga larawan ni Lolo kung saan makikita na hawak nito ang isang tinapay at inumin, Narito ang kabuuang post ni Russel sa wikang Tagalog:

“May matandang dumaan sa batiano checkpoint, sabi ko lo, pasaan poh kayo? sabi n lolo ppalingke bibili ng isda.sabi ko tangahali na poh lo.bakit ngayon ka lang bibili ng isda,wala ka bang pwede mautusan sa inyo?, bakit ikaw talaga..sagot n lolo ay ok lang naman. naalala ko tuloy lolo ko..tinanong ko kong kumain na ba siya sabi nya ay hindi pa daw..nakakaaw naman..Total may pinuntahan pa nman ung kasama ko na si iAi Ai sobra pa naman ung pagkain binigay ko nalang ung parte ng kasama ko Cge poh lolo kain kalang jan..kumain ka hanggang mbusog ka..” Samantala, marami naman sa mga netizens ang naantig at humanga sa kabutihang ginawa ni Russel para sa matanda.