Home News Magkapatid, muling nagkita at nagkasama pagkalipas ng limang taon dahil sa Twitter!

Magkapatid, muling nagkita at nagkasama pagkalipas ng limang taon dahil sa Twitter!

Wala tayong ibang inspirasyon sa buhay kundi ang ating mga mahal sa buhay. Nagsusumikap tayong makamit ang ating mga pangarap dahil nais natin na sila ay magkaroon ng maayos at magandang buhay.

Ngunit hindi lahat sa atin ay mayroong kumpletong pamilya. Mayroon tayong kaniya-kaniyang pagsubok na ating pinagdaraanan. Halimbawa na lamang ang mabigat na suliranin ng Twitter user na nakilala ng publiko sa username niyang Nathan.

Mayroon siyang kapatid na lalaki na matagal na nilang hinahanap ngunit talagang wala silang natagpuan at nakitang bakas o impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng kaniyang nakababatang kapatid. Makalipas ang limang taon ay napagdesisyon ni Nathan na gamitin na ang social media upang humingi ng tulong.

Ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Yehezkiel (Eskil) na mayroong “speech disorder” at nasa 13 taong gulang na.

“TWITTER PLEASE DO YOUR MAGIC! I am trying to find my brother who has been missing for several years. The last time he was home was around 2015 to 2016. We’ve tried looking everywhere and have even reported it to the police but have not gotten any results.” Pakiusap ni Nathan sa kaniyang post.

“If anyone has seen him or knows his whereabouts please do message me,” dagdag pa niya.


Sa pagkakaalala ni Nathan, umalis ang kaniyang kapatid noon matapos humingi ng pera sa kaniyang ina at hindi na bumalik pa. Nang mga panahong iyon ay hindi na lingid sa kaalaman nilang magkapatid ang planong paghihiwalay ng kanilang mga magulang.

Bagamat wala silang kasiguraduhan kung ito nga ang dahilan kung kaya hindi na bumalik ang kaniyang kapatid, nais pa rin nila itong makitang muli. Hindi rin nagtagal at mayroong mabuting babae ang kumontak kay Nathan mula sa isang ampunan na tinutuluyan pala ng kaniyang kapatid.

Tunay nga na mahigpit na yakap ang agad niyang naging pagkamusta sa kaniyang nawalay na kapatid.

Tindero Ng Lemon, Naloko At Binayaran Pa Ng Pekeng Isang Libong Piso

Sa kabila ng mga hirap at pagsubok na pinagdadaanan natin ngayon, nakakalungkot lamang isipin na mayroon pa ding mga tao ang pinipiling gumawa ng masama sa kanilang kapwa. Hindi na din bago sa atin ang pang-iisc4m, panlol0ko, at pamemeke ng pera ng ibang tao. 

Minsan pa nga, kung sino pa iyong mahirap ang pinagdadaanan sa buhay ngunit nagtatrabaho sa marangal at legal na paraan ay ang nabibiktima pa ng mga manlolok0ng taong ito.

Sa Facebook page na Pilipinas Trending Viral, ibinahagi nito ang lalaki na nagtitinda ng lemon sa bangketa. Ayon sa post, ang kawawang manong ay nagtitinda ng lemon sa may Espanya, Manila nang mayroong bumili sa kaniya. Naka-kotse pa nga daw ito kaya hindi din aakalain na gagawa pala ito ng masama.

Ang mas masaklap din ay imbis na sana kumita si Kuya noong araw na iyon ay naloko pa siya dahil isang libo ang ipinambayad sa kaniya ng bumili ngunit ito pala ay pekeng pera.

Hindi man lang naawa o nakonsensya ang bumili kay manong lalo na at naghahanap buhay naman si manong ng marangal at legal para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa pang araw-araw. Maaaring kakasimula lamang din makabalik ni manong sa pagtitinda lalo na at kaka-lift pa lamang ng quarantine sa ibang lugar.

Ayon sa post, ang tindero ay mula pa sa Taytay, Rizal at dumayo lamang patungo sa Maynila sa pagbabakasali na magiging mas malaki ang kikitain niya dito. Ngunt, nakakalungkot lamang dahil siya ay naloko pa sa kabila ng hirap sa paghahanap buhay ngayon bunsod ng C0VID-19 pand3mic.

Marami naman sa mga netizens ang humiling na sana ay managot ang bumili at nanloko kay manong at makarating ang masaklap na nangyari sa kaniya kay Raffy Tulfo upang ito ay maaksyunan.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Grabe naman, ang mura na nga ng tinda ni tatay nakuha niyo pa lokohin. Hayaan mu po tay mas malaki po ang mawawala sa kanila.”

“May araw din yang mga taong ganun. Nabubuhay sa panloloko ng kapwa, may karma din yan.”

“Kawawa naman ang hirap magtinda tapos may mga tao pang walang awa sa kapwa.”

Lalaki, Ipininta ang Kanyang Lola upang Pasalamatan sa Pagpapalaki at Pagaalaga sa Kanya!