Home News Magkasintahan Usap-usapan Matapos Mapansin Ang Nakakakilabot Na Larawan Ito

Magkasintahan Usap-usapan Matapos Mapansin Ang Nakakakilabot Na Larawan Ito

Sa panahon natin ngayon na napakataas na ng teknolohiya , halos lahat ng tao ay gumagamit na ng internet. Sa kabila nito may mga pangyayari o misteryo na talagang  minsan ay mahirap paniwalaan.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na madami ang nabababad sa pag gamit ng internet tulad ng social media . Maraming makikita na mga nakakamangha o hindi kapani-paniwala na mga larawan.

Kaya naman hindi natin matukoy ang ibang larawan kung totoo ba ito o edit lamang, madami ng mga application sa internet na pwedeng mag edit ng mga larawan.

At ito nga ang nangyari sa larawan ng isang magkasintahan kung saan tila may kakaiba sa mga larawan na ito.

Sa larawan na makikita  ang magkasintahan ay masayang magkayap at may caption na “i love my girlfriend even if she’s a Gemini”

Makikita sa larawan  na sila ay nakaharap sa kamera at parehong makikita sa kanilang likod ang isang malaking salamin at kita ang mukha ng babae na nakangiti ,na ang dapat makikita ay ang likuran ng babae.

Pinost ang mga larawan sa Twitter account at mabilis naman itong nag trending at pinag-usapan. Madami ang nkaagaw sa attensiyon sa misteryosong larawan at marami tuloy ang hindi makapaniwala.

Totoo nga ba ang makikita sa lawaran na iyon, ito ang malaking katanungan ng karamihan

Nagbigay naman ang lalaking nag-upload ng larawan na ito na ang kanyang larawan na ipinost ay isa lamang edited. Kaya naman daw may caption ang larawan na mahal niya ang kaniyang Girlfriend kahit mayroon itong dalawang mukha, at tinukoy pa nito na kahit ang kaniyang Girlfriend ay Gemini.

“It’s payback time!” – Isang anak ng OFW pinauwi na ang kaniyang ina na halos 20 taon ding nagtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang magkakapatid!

Wala na yatang mas sasarap pa sa pakiramdam na makita mong pinapahalagahan ng iyong mga anak ang iyong mga paghihirap at pagsasakripisyo. Bilang isang magulang, talaga namang napakahirap ang pagsabayin ang pag-aalaga sa mga anak at pagbabanat ng buto.

Gustuhin mo man na tutukan ang iyong anak at alagaan ng maigi ay hindi mo magawa dahil kailangan mo ring maghagilap ng trabaho at mapagkakakitaan upang masuportahan ang iyong pamilya.

Layunin ng mga magulang na mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kung kaya naman ito na marahil ang isa sa mga dahilan upang sila ay maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.

Tulad na lamang ng nanay ni Hans Alcanzare na kinailangang mangibang-bansa at doon magtrabaho ng halos 20 taon para lamang mapagtapos silang pitong magkakapatid ng kolehiyo. Hindi alintana ng kaniyang ina ang pangungulila, matinding pagod at sakripisyo na kailangan niyang tiisin ng mahabang panahon na iyon maibigay lamang ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Anim na taong gulang pa lamang si Hans ng mga panahon na iyon. At nang makapagtapos na nga silang magkakapatid, ninais din naman nilang sorpresahin ang kanilang pinakamamahal na ina.
Pinauwi na nila ito at ayon sa caption ni Hans sa kaniyang post:

“It’s your graduation day, Mom! It’s time to go home,” Pahayag ni Hans.

Mayroon din silang regalo na all-expense Asian trip para sa kanilang ina kung saan Singapore ang unang destinasyon ng kanilang ina. Sa pagpapagal ng kanilang ina ay nakapagtapos na silang magkakapatid bilang certified public accountant, licensed teacher, registered nurse, pharmacist and midwife, civil engineer, registered master plumber at isang information technologist.

Tunay nga na wala talagang papantay sa sakripisyo ng isang ina para sa kaniyang mga anak. Bilang ganti ng mga anak ay mas nagsumikap sila sa kanilang pag-aaral upang balang-araw ay masuklian din nila ang naging sakripisyo ng kanilang pinakamamahal na ina.

Source: Rachfeed

Kwento ng isang batang lalake na ipinambili ang kaniyang P10 piso ng pagkain ng pusa, hinangaan ng marami.

Isang nakamamanghang kwento ang ibinahagi ng Facebook page na Definitely Filipino ukol sa isang batang lalake na nakasabay ang isang babaeng suki sa tindahan ng mga pagkain at iba pang kagamitan para sa mga hayop.
Kinilala ang batang lalake na si Alden, kinuhanan ito ng litrato habang bumibili ng pagakin para sa pusa sa nasabing tindahan.

Ang babae umano na nag ‘post’ ng mga larawan ni Alden ay may nais ring bilhin sa tindahan noong araw na iyon at kasalukuyang naghihintay ng kaniyang pagkakataon habang namimili ng bibilhin ang batang si Alden.

Matapos makapamili ay tinanong ng tindero ang bata kung ilang kilo ang bibilhin nito, nahihiyang namang tumugon si Alden dito ng.. “Sampung piso lang po”

Definitely Filipino | Facebook

Definitely Filipino | Facebook

Hindi naman napigilang ng babaeng naghihintay na suki di umano ng tindahan at sinabi sa tindero na dagdagan pa ang binili ni Alden ng halagang P50 piso ang pagkaing binili nito.
“Maraming Salamat po!” Laking pasasalamat ng bata sa ipinakitang kabutihang loob sa kaniya ng ‘di kilalang babae.

Kasabay nito ay napag alaman na ang pagkaing binili ay para sa buntis na alagang pusa ni Alden.

Dahil sa nakakaantig na kwento ng maalagang bata ay nagpaka- “Wille Revillame” si ate at isinigaw sa tindero na “Bigyan pa ng isang supot iyan!”

Bukod dito ay inabutan pa ng munting halaga si Alden para pang gastos nito sa kaniyang sarili.

Ngunit tinanggihan ito ni Alden kahit na sinabi pa sa kaniya na ‘deserve’ niya ito dahil isa siyang natatanging bata.

Kadalasan daw kasi sa mga bata na nasa kaparehong edad nito ay mapang api sa mga pusa o iba pang hayop at hindi maiisipang gumastos o gamitin ang kanilang munting ipon para sa kanilang mga alaga.

Kaya pinayuhan nito si Alden na ituloy lang ang pagmamahal sa kaniyang alaga.

Sa huli ay tinanggap na ng bata ang alok na pera at muling nagpasalamat.

Pauwi na sana ang babae pero lalo pa itong humanga sa batang si Alden ng makita niya itong ginamit ang ibinigay niyang pera, para ipambili pa ulit ng isa pang supot ng pagkain ng pusa.

Talaga namang nakakatuwa na makasaksi, ng mga bata na may likas na pagmamahal sa kanilang mga alaga. Sana’y ay magsilbing inspirasyon ang kwentong ito at pamarisan pa ng maraming kabataan.

Sa katunayan, mabilis na kumalat ang Facebook post na ito tungkol kay Alden at kasalukuyan siyang hinahanap at pilit na tinutunton ng grupong Powercat Philippines pati na rin ang babaeng tumulong dito dahil sa ipinamalas nilang kabaitan at pagmamalasakit.

Source: Definitely Filipino | Facebook