Home News Magkasintahang biyudo at biyudang edad 58 at 61, nagkakilala sa online dating

Magkasintahang biyudo at biyudang edad 58 at 61, nagkakilala sa online dating

Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, mas mataas umano ang tyansa na magkatuluyan at bumuo ng pamilya ang mga magkasintahan na nagkakilala sa mga dating sites o apps.
Sa programa ng GMA Network na “IRL”, naitampok ang kwento ng isang biyudo at biyuda na nagkakilala sa pamamagitan ng online dating site at ngayon ay masayang masaya na nagsasama bilang magkasintahan.
Ang nasabing episode ng IRL ay may pamagat na: “Love found online, swipe yes or no?”

Sa article ng Definitely Filipino, pareho umanong sumakabilang buhay na ang asawa nina Wines Logenio, 58 at Rose Calacday 61, noong 2008.

Kwento ng dalawa, nagbakasakali silang muling makahanap ng magpapatibok sa kanilang mga puso sa mga online dating sites.

Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Ayon kay Nanay Rose, mismong kapatid nito ang nagturo sa kanya upang makasali sa mga online dating sites. Habang si tatay Wines naman ay ginawang libangan ito upang may makausap habang nagtatrabaho sa ibang bansa.
Kwento ni tatay Wines, talagang na-love at first siya nang makita ang profile picture ni nanay Rose.

Taong 2009 naman noong mag-match ang profile ng dalawa. Dito na nagsimula ang kanilang pagkakilala sa isa’t isa.
Dahil sa pagka-love at first sight ni tatay Wines kay nanay Rose, nais niya agad na magkita sila. Ngunit sinabi ni nanay Rose na mas maiging kilalanin muna nila ang isa’t isa.

Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Kaya naman mas naging madalas ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa bumalik na ng Pilipinas si tatay Wines at nagkita na sila ni nanay Rose.
Matapos ang kanilang pagkikita at unang date, naging opisyal na ang relasyon ng biyudo at biyuda. Subalit katulad ng ibang pagsasama, dumaan din sa pagsubok ang dalawa. Naghiwalay sila matapos matuklasan ni nanay Rose na nakikipag-usap sa ibang babae si tatay Wines.

Ngunit sa panahon na nagkahiwalay ang dalawa, napagtanto ni tatay Wines na si nanay Rose ang kanyang “the one” at gusto makasama habangbuhay.
“Nag-text siya sakin ulit, hindi ko naman pinalitan yung number ko,”paunang kwento ni nanay Rose.
“Sabi niya, “‘kamusta ka? Birthday ko ngayon”’ sabi umano ni tatay Wines.
“Eh ano ngayon kung bday mo?” sagot naman ni nanay Rose.
“Sabi niya, “pwede ka bang makasama?”dagdag nito.

Taong 2015 nang simulang suyuin ni tatay Wines si nanay Rose. Matapos ang ilang linggo ay tuluyan na silang nagsama sa iisang bahay na sila mismo ang nagpundar.
Ayon kay tatay Wines, balang araw ay nais din umano nilang magpakasal ni nanay Rose.

“Hindi man ako ‘yung naging una mo, pero I prepare myself to be your last,” ani nanay Rose kay tatay Wines.
Panoorin ang video sa ibaba: