Home Tech Magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto, nagbigay ng relastionship tips sa kanilang...

Magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto, nagbigay ng relastionship tips sa kanilang kaibigan.

Supportive friends ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto sa vlog ng kanilang kaibigan na si Dave Dalisay.

Sa nasabing vlog, napag-usapan ng tatlo ang tungkol sa love and relationships. Naitanong kasi ni Dave kina Julia at Gerald kung may maipapayo sila tungkol sa usaping ito.

Kaya naman nagbigay ng ilang tips ang magkasintahan, nagkasundo ang dalawa sa pareho nilang opinyon tungkol sa pakikipagrelasyon.

Anila, kung masaya ka sa karelasyon mo then you should stay. Kung nagbibigay ito ng dahilan, ng inspirasyon para magsipag ka sa anumang bagay then you should also stay.

Kung nakakapagtrabaho ka pa din ng maayos kahit may petty fights or hindi napagkasunduan, piliing manatili at makinig.

Dagdag pa nga ni Gerald, mararamdaman daw ng isang tao kung ang kanyang karelasyon ay ang tamang tao para sa kanya.

Hirit naman ni Dave, naniniwala siya sa mga sinasabi ni Gerald pagdating sa pag-ibig dahil napakarami na daw nitong experience sa love. Na nag-ugat ng tawanan nilang tatlo.

Samantala, nagpahayag din si Gerald ng kanyang saloobin sa pagiging judgmental ng ibang tao tungkol sa buhay ng mga celebrity.

Para kay Gerald, dapat ay may limitasyon ang panghihimasok ng iba pagdating sa personal na buhay ng public figures.

Tanging basehan lang naman daw ng netizens ay ang social media kahit hindi alam ng mga ito ang tunay na pinagdadaanan ng mga artista.

Pagsang-ayon ni Julia, “Social media is different from real life. So, be you.”

Katwiran ni Gerald, “Masaya ka sa buhay, malungkot sa buhay mo, human nature nating mang-judge.”

Hindi raw tinatanggal ni Gerald ang karapatan ng netizens na maglabas ng opinyon, pero dapat daw ay may limitasyon ang panghihimasok nila sa buhay ng public figures.

Julia Barretto, aminadong lubos na tinitingala noon ang kanyang tita Claudine Barretto pagdating sa pag-arte

Magmula pa noong bata pa lamang siya, tinitingala na ni Julia Barretto ang kanyang Tita Claudine Barretto.

Sa media conference ng upcoming TV5 show ni Julia kasama sina Marco Gumabao at Marco Gallo titled ‘Di Na Muli’. Inamin ni Julia na fan siya ng kanyang Tita Claudine.

“I grew up watching your auntie Claudine sa mga series, may mga chance na nakikita namin yung ikaw sa pag-arte… Sa part mo ng acting skills mo, alin sa mga duon yung nakuha mo sakanya or naging inspired sakanya?” tanong kay Julia ng isa sa press people.

Sagot naman ng aktres, “Naku, nakuha? Naku, siguro wala. Siguro wala, kasi nag-iisa lang siya eh. Napaka husay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about this, I have always been a fan of her and of her work and of her projects. And I really look up to her growing up as an actress.”

Dagdag pa niya, “Pero again, siguro when it comes to our craft iba, we’re different and we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte at iba talaga siya. Pero ako naman, I try my best everyday and every time I’m given the opportunity…”

Sinabi pa ni Julia na ginagawa niya ang lahat para maging mahusay na aktres din siya.

“I always try to be at my best and perform and deliver. I just want to make everybody around me proud. And everybody who trusts with a project proud. I think that’s always been the goal is to help bring life to the character that I’m given…”

Aminado din and nobya ni Gerald Anderson na hindi niya kayang tapatan ang husay ng kanyang tiyahin.

Julia Barretto aminadong hindi mapapantayan si Claudine Barretto, ibinahaging hanga siya sa galing ng tiyahin