Home News Mapagmahal na ama, binubuhat ång lumpøng anak papasok at pauwi sa eskwelahan

Mapagmahal na ama, binubuhat ång lumpøng anak papasok at pauwi sa eskwelahan

Para sa mga mahihirap na pamilya, wala ng nais pang hiling ang mga magulang na makatapos ng pagaaral ang kanilang mga anak. Lahat ay kayang ialay ng magulang upang matupad ang ganitong pangarap sa kanilang anak. Kahit mapagod maghapon sa trabaho ay kayang gawin ng magulang kung ito ang paraan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak.


Hindi biro ang magpaaral ng bata para sa mga mahihirap na magulang. Kahit na ang ibang public school ay libre lamang, may mga kinakailangan pa rin ng pera katulad ng mga kagamitan sa eskwelahan, pambaon na pagkain, kasuotan, at mga gastusin sa proyekto sa pagaaral.

Kaya kabibiliban ninyo ay ang ama na ito na matinding sakripisyo ang ginagawa niya para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak. Dahil simula pa lamang ng elementarya āng kānyang lümpøng anak binubuhat niya ito sa likod papuntang eskwelahan hanggang ngayon na highschool na.

Isang netizen na nagngangalang Joshua Lisaba ang nagbahagi ng larawan patungkol sa ama na nagbubuhat ng anak niyang putol ang mga paa. Sa larawan ay makikita kung paano niya pasanin ang anak at maaantig ang puso dahil sa pagpapakita ng determinasyon nilang magama.

Ngayong highschool na ang anak, patuloy pa ring binubuhat ng kanyang ama sa paghatid at pagsundo. Ang anak ay nagaaral sa Sto. Cristo National High School sa San Jose Del Monte City Bulacan. Kahit anong klaseng panahon pa ang mayroon, kahit umuulan o tirik ang araw, basta may pasok, ihahatid ito ng kanyang ama.

Ang post na ito ay nag-viral at inulan ng maraming reaksyon at komento. Marami ang naawa sa kalagayan nilang dalawa at naawa din sa hirap na ginagawa ng ama. Hindi biro ang ginagawa niya dahil mabigat na ang kanyang pinapasan. Dahil sa hirap ng buhay, hindi nila kayang bumili ng wheel chair. Kung sana ay mayroon silang wheelchair, hindi sana sobrang hirap ang ama at mas komportableng maihahatid ang anak sa eskwelahan.

Sana lamang ay mayroon mag magandang loob na tumulong o magbigay ng donasyon upang magkaroon ng wheelchair ang kawawang estudyante at para hindi na mahirapan ang kanyang ama.

Isang Huwarang Ama, Hindi naging Hadlang ang Kåpansånan

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masipag at matiyaga lalong lalo na kung ang pinag-uusapan ay para sa kapakanan ng ating pamilya. Tulad na lang ng isang pinoy na nagngangalang Ryan Arebuado, na naging viral ang buhay dahil sa pinakita nyang sakripisyo sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanyang anak habang sya ay nakaupo at nanunuod lamang.

Larawan mula sa Front Row

Samantala, isa na namang sakripisyo ng isang ama ang ating masasaksihan sa social media na gagawin ang lahat para mapabuti ang anak. Isang ama na tawagin natin sa pangalan na Tatay Alejandro ang nagpakita ng pagkakaroon ng determinasyon sa kabila ng taglay na Kåpansånan.
Si tatay Alejandro ay may isang pitong taong gulang na anak at nakilala sya sa paghahatid neto sa kanyang paaralan. Para sa kaalaman ng nakararami, ang anak ni tatay Alejandro ay kasalukuyang nag aaral sa Pasig Elementary School bilang isang Grade 2 student.

Larawan mula sa Front Row0

Ang nakakaantig na bahagi sa ginagawa ni tatay Alejandro ay ang paghatid sa kanyang anak sa paaralan sa kabila ng käpansånan neto. Sa pamamagitan ng pagkarga ni tatay Alejandro sa kanyang anak gamit ang wheelchair, naihahatid nya eto ng ligtas. Bangitin na natin na ginagawa nya eto umaraw man o umulan sa kabila ng mabigat na timbang ng bata. Halos araw araw, dumadaan sila sa maabala at maingay na kalsada para lamang sa edukasyon ng anak nya.

Tungahayan naman natin kung bakit naka wheelchair si tatay Alejandro. Noong bata pa sya, o limang taong gulang pa lamang, si tatay Alejandro ay tinamaan na ng sakit na Polio. Pero hindi eto naging hadlang sa kanyang buhay. Sa makatuwid, naging maswerte pa rin sya dahil nakapag asawa eto at nagkaroon pa ng anak. Tulad ng ibang responsableng ama, si tatay Alejandro ay hindi pinansin ang kapansanan para hadlangan ang tungkulin sa anak.

Dahil sa nai-post ang larawan ni tatay Alejandro na karga ang anak gamit ang wheelchair, kumalat eto sa social media at naging kahanga-hanga ang kanyang kasipagan. At katulad din ng kanyang anak, mkakaseguro tayo na gagawin nya din eto pag nagkaroon nan g sariling pamilya.

Source: Elite Readers

Watch | Dakilang Ama, Kinakarga Ang 18-Anyos na Anak Para Maipagamôt ang Malubhang Karamdåman!

Lahat ay gagawin ng isang magulang para sa ikabubuti ng kanilang anak. Katulad na lamang ng isang dakilang ama mula San Jose Del Monte, Bulacan. Ang amang ito ay kinilalang si Rolando Niangar na may inaalagaang 18-anyos na anak na may malubhang karåmdaman. Ayon sa kuwento ni Tatay Rolando, ay anim na buwang gulang pa lamang ang kanyang anak nang ma-diagnose sa såkit ang kanyang anak na si Jewelyn.

Hindi na umano nakakapagsalita ng maayos at hindi na nakakalakad ang dalaga ngunit sa tuwing may dinadaing daw ito ay naiintindihan naman umano ni Tatay Rolando. Ayon sa isang episode sa “Reporter’s Notebook” ay ipinakita ni Tatay Rolando kung paano niya pakainin ang kanyang anak sa pamamagitan ng tubo na nakadaan sa ilong ni Jewelyn.
Gatas lamang ang ipinapakain ni Tatay Rolando sa kanyang anak ngunit kung minsan pa ay wala siyang nabibiling gatas dahil sa kakapusan.


Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang kasambahay na nagpapadala ng Php3,000 kada buwan para sa gastusin ng pamilya ngunit kulang pa rin ito sa mahigit Php4,600 na kailangan ni tatay Rolando sa apat na beses na therapy ni Jewelyn at pamasahe pa tungo sa Philippine Children’s Medicål Center.

Si Tatay Rolando mismo ang tumututok kay Jewelyn para makasiguradong maaalagaan siya ng mabuti kaya naman hindi maalis sa kanyang isipan na paano kung mawala na siya, paano na ang kanyang anak.