Marco Gumabao, pinagdiinan na magkaibigan lang sila ni Ivana Alawi at wala silang relasyon nito!

Sa wakas ay nagsalita na si Marco Gumabao sa totoong relasyon nila ni Ivana Alawi.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nag viral ang video nina Marco at Ivana na sweet sa isa’t-isa.
Ang nasabing video ay mula sa Ig story ni Ann Murphy kung saan makikita na nagkakasiyahan silang magkakaibigan.

Kahit marami silang mga kasama, makikita ang pagiging malapit nila ni Marco lalo at nakahawak pa ang aktor sa binti ni Ivana.

Ayon pa nga sa mga netizen, bakit naman daw hahawak sa binti ng isang babae ang isang lalaki. Kung wala silang mutual understanding.

Nauna nang nagsalita si Ivana ukol sa isyung ito. Pinagdiinan ng dalaga na magkaibigan lamang sila ng aktor.

Noong una ay tahimik lamang si Marco sa mga katanungan tungkol dito. Ang kaibigan niyang si Julia Barretto ang sumagot para sa kanya.

Sinabi rin noon ni Marco na maligaya ang puso niya pero hindi kinumpirma o dineny kung sila na ni Ivana.

Samantala, sa virtual media con ng pelikula ni Marco sa Viva Films na “My Husband, My Lover” muli siyang natanong tungkol sa “relasyon” nila ni Ivana.

“Basically, we’ve been friends for more than a year. Magkakabarkada po talaga kami and, at the same time, we really are close.
“But we’re just friends so I know marami ang naiintriga sa video, but magkakaibigan lang po talaga kami,” deretsahang sagot ni Marco.

Ayon pa sa aktor ay single siya at walang idine-date sa ngayon. Kaya naman nakiusap siya sa publiko na tigilan na ang pangiintriga sa kanila ni Ivana.

Huwag na daw umanong gawan pa ng isyu ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Ivana Alawi, itinangging may relasyon sila ni Marco Gumabao at sinabing meron pag-asa si Joshua Garcia kung manligaw ito.

Kamusta nga ba ang lovelife ngayon ng nag-iisang Ivana Alawi?

Marami ang nagaabang kung sino ang makakabihag sa puso ng actress vlogger na ito. Hindi maitatanggi na marami talaga ang magkakagusto kay Ivana.
Kaya naman ang kanyang mga fans todo ang tanong sa kanya tungkol sa kanyang lovelife.

Sa naging KUMU live ni Ivana, sinagot niya ang ilang mga katanungan ng mga fans.

May nagpapatibok na nga ba sa puso niya? Sagot ng aktres, “Meron naman, oo” habang nakahawak sa kanyang dibdib.

Hindi na din naiwasan na mabanggit ang nalilink sa kanya ngayon na si Marco Gumabao.
Tinanong ng isang fan kung kamusta daw sila ng aktor, natatawang sinagot ni Ivana, “Okay naman” daw silang dalawa.

Kumalat noong nakaraan ang mga larawan ni Ivana kasama si Marco na nakahawak ang aktor sa binti ng aktres. Agad naman napaisip ang kanilang fans kung may special relationship na ang dalawa.

Itinaggi din niya na nagkaroon sila ng relasyon, “No, no and no. Never kami nagkaroon ng kahit anong relasyon… romantic, wala,” pagdidiin ng aktres.

Sa kabilang banda, nalilink din ang sexy star sa isa pang aktor na si Joshua Garcia. Sa isang vlog, inamin niya na crush niya daw talaga si Joshua at nagkakausap sila sa Instagram.

Naitanong din ng mga fans kung may pag-asa daw ba si Joshua kung liligawan siya nito.

Pahapyaw na sagot niya, “Lagi kong sinasabi lahat may pag-asa.”

Ipinagdiinan naman ng aktres na siya daw ay single ngayon at magsasabi naman daw siya kung in a relationship na siya.