Home News Masipag Na Estudyante Patuloy Ang Paggawa Ng Assignment Kahit Na Nababasa Na...

Masipag Na Estudyante Patuloy Ang Paggawa Ng Assignment Kahit Na Nababasa Na Siya Ng Ulan

Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit dahil ang edukasyon ngayon sa ating bansa ay libre na, maraming mga bata ang nabigyan ng pag-asa upang makabalik sa eskwelahan.

Mayroong mga mag-aaral na talagang pinagpupursigihan ang kanilang pag-aaral upang sila ay makatapos at magkaroon ng magandang kinabukasan. Ngunit mayroon din naman na kung sino pa ang maswerteng nakakapag-aral sa magandang paaralan ay sila pa ang nagloloko at nagbubulakbol.
Kaya naman sana ay maging inspirasyon ang istorya ng batang ito.

Hinangaan ng mga netizens ang isang batang babae na ito na nakilala bilang si Lorensalie Elaine Dolfo. Ulila na ito sa ama at pansamantalang namamalagi muna ang kanyang pamilya sa isang maliit na parking space na kung saan naglatag lang sila ng karton bilang tulugan.
Kahit na masama ang panahon at malakas ang ulan sa araw na iyon, ay hindi napigilan ng masipag na estudyante na gawin ang kanyang mga assignment sa eskwela.
Di tulad ng ibang bata na mayroong maayos na lamesa at upuan upang gumawa ng mga takdang aralin, si Lorensalie ay makikitang hirap na hirap gawing pananggalang sa ulan ang kanyang jacket upang hindi mabasa ang kanyang libro habang nakaupo lamang ito sa sahig ng parking lot na pinatungan lamang nila ng karton.

Makikita sa kanyang harapan ang kanyang ina na natutulog at ang kanyang nakababatang kapatid na sinusubukan ding sumilong upang hindi mabasa sa ulan.
Ilang beses na inayos ng bata ang nakatakip sa kanya na jacket dahil nililipad ito ng malakas na hangin. Gayunpaman ay hindi ito sumuko sa paggawa ng kanyang assignment.

Hinangaan ng mga netizens ang determinasyon ng bata dahil bibihira lamang talaga ang mga estudyanteng ganito kasipag at walang angal kahit na nahihirapan sila sa pag-aaral.

Nawa’y ang istorya ni Lorensalie ay magsilbi sanang inspirasyon sa milyong milyong kabataan. Sana ay pahalagahan ng bawat estudyante ang kanilang edukasyon lalo na’t para naman ito sa kanilang ikabubuti at sa kanilang kinabukasan.

Batang nagtitinda ng sampaguita, nakatulog sa tabing-kalsada habang nag aaral!

Isang batang lalaki na nagtitinda ng Sampaguita pagkatapos nang kaniyang klase ang nakita ng isang netizen na natutulog sa lugar kung saan siya nag-aaral. Maraming mga netizen ang talaga namang namangha sa kaniyang pinakitang dedikasyon sa kaniyang pag-aaral at umaasang sana ay maimpluwensiyahan din niya ang ilan pang mga kabataang Pilipino na magsumikap din sa kanilang pag-aaral.


Isang netizen na nakilala bilang si Sha Lim Pua ang nagbahagi ng larawan ng bata na ito sa isang simbahan sa Lipa, Batangas. Narito ang kaniyang caption sa larawan na ibinahagi niya sa Facebook:
“Sana malayo marating mo baby boy. Sana maging inspirasyon to sa mga kabataan. Sana may magbigay sa kaniya ng scholarship.”

Kumalat at naging usap-usapan sa mundo ng social media ang larawan ng batang lalaki na ito kasabay ng maraming mga netizen na sumasang-ayon sa kaniya na marapat ngang hangaan ang batang ito. Talaga namang malinaw ang nais ipakita ng larawan na ito sa maraming mga tao. Hindi hadlang ang kahirapan upang hindi tayo magsumikap sa ating pag-aaral. Ito nga ay maaari pang maging karagdagang inspirasyon para sa atin upang mas magsumikap sa buhay upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

Sa ating mundo sa ngayon kung saan maraming mga estudyante ang walang humpay sa pagrereklamo sa maraming mga bagay kagaya na lamang ng hindi pagpayag ng kanilang mga magulang na makabili sila ng mamahaling mga bag, sapatos, o gamit ay talaga namang nakakatuwa na kahit papaano ay makasaksi pa ng mga ganitong uri ng bata sa panahon ngayon.

Maraming mga netizen ang talaga namang humanga sa bata at nakakasiguro na magkakaroon siya ng magandang kinabukasan dahil sa alam niya ang kaniyang mga prayoridad, ang kaniyang pag-aaral kahit pa nagtitinda na siya ng mga Sampaguita. Marami pa ngang mga netizen ang nagbahagi ng kani-kanilang mga komento patungkol sa kamangha-manghang bata na ito na pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit pa nga kulang sila sa tulog, pagod o gutom na.

7-taong gulang na lalake, dinadala ang kanyang kapatid sa eskwelahan dahil ayaw nitong umabsent

“Edukasyon ang susi sa tagumpay,” iyan ang pinanghahawakan ng lahat. Kahit gaano man kahirap ang buhay, hindi hinahayaan ng mga magulang at mismong mga kabataan na mapabayaan ang kanilang pag-aaral. Alam nating lahat na ito ang tanging bagay na makapagpapa ahon sa atin sa kahirapan.

Kaya naman, isang ehemplo si Justin, 7 years old, isang Grade 1 student sa Magallanes, Sorsogon. Makikita na akay akay niya ang kanyang nakababatang kapatid sa eskwelahan.

Hindi alintanan ni Justin ang kanyang hirap sa pagkalong sa kanyang kapatid habang nag-susulat.

Credit Goodtimes
Ayon kay Justin, ayaw niyang lumiban sa klase at walang magbabantay sa kanyang kapatid dahil nagtatrabaho sa bukid ang kanyang lola na kasama sa bahay. Kaya dinala nalang niya ang kanyang kapatid.

Banggit naman ni Ma’am Lei, nakwento ni Justin sa kanya ang dahilan at ito ang sinabi sa kanya:

“Habo ko pag-absent ma’am, digdi ko na lang alingon an tugang (1 year old) ko may trabahoon po si lola (guardian/grandmother) sa bulod, dai ki mabantay (“I don’t want to be absent, ma’am.”)

Pumukaw naman ito ng atensyon sa mga netizens na talagang nagkaroon ng iba’t ibang reaksiyon mula sa kanila.

Credit Goodtimes
“I remember my child hood. I had to bring my 2year old bother in school coz I don’t want to skip my periodical exam.. I know he had a good future. A good example responsible children that knows the importance of education.”

“A good and loving big brother ,pls. somebody with golden heart help them,God bless.”

“Very endearing 7 year old boy.. As young as he is, he knew getting an education is a must and let no one or circumstances be a hindrance to his goal! Very motivated and endearing 7 year old..”

“wag kang magbago iho sa kapatid mu balang araw dalawa na kayung sasagupa sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay neo mabuhay ka saludo ako sayo..”