Home News Matandang Lalaki, May Malubhang Karamdaman Ngunit Walang sapat na Pera Para sa...

Matandang Lalaki, May Malubhang Karamdaman Ngunit Walang sapat na Pera Para sa Kanyang Pang-0pera. Nangangailangan ng Tulong!

Isang concerned netizen na si James Villasin Obligar ang nagbahagi ng larawan at sitwasyon ng isang matandang lalaki na may malubhang karamdaman. Kumakatok si James sa mabubuti at busilak ang pus0 na sana ay tulungan si Tatay Eduardo Balino na mayroong Tum0r at nais magpa0pera ngunit wala sapat na pera dahil kapos umano sila.

Isa sa mga customer umano nila James si Tatay Eduardo at halos araw-araw daw sa kanila bumibili ng bigas. Binanggit niya na walang cellphone si Tatay Eduardo kaya naman kung sino ang nais mag-abot ng tulong kay Tatay Eduardo ay ibinigay niya ang kanyang ilang impormasyon nang sa ganoon ay siya ang maging tulay upang maipaabot ang tulong na para kay Tatay Eduardo.

“Kumakatok po ako sa may mabubuting at busilak na pus0 ,,Sana po matulungan po natin si tatay ,,..Sya po ay si tatay EDUARDO BALINO nakatira po sya sa Nagpayong Pinagbuhatan pasig city.sya po ay may sakit na tumor at nais nya po sana magpa opera kaso kapos po sya sa financial Kaya Hindi po sya makapag pa 0pera ..

Costumer po namin sya ,at halos araw araw PO sya nabili samin ng bigas ..Sabi po ni tatay dalawa Lang daw po sila ng Asawa nya SA bahay nila kaya kapos po talaga sila Kasi Wala din po silang trabaho..Wala daw pong cp si tatay kaya po sa mga nais pong tumulong pwede nyo po ipahatid Ang tulong nyo SA gcash ko ,at sinisigurado ko po SA inyo na makakarating po Ito kay tatay..SIR RAFFY TULFO SANA PO MATULUNGAN NYO PO SI TATAY NA MAPA0PERAHAN..”
Para naman sa mga nais na magbigay ng tulong kay Tatay Eduardo ay narito ang origingal na post ni james sa kanyang facebook account. Narito din ang ilang impormasyon na kanyang ibinigay na makakatulong para sa 0perasyon ni Tatay Eduardo.

90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay!

Mabilis na kumakalat sa social media ang mga balita at mga kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Nababalitaan din natin ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, sa tulong ng social media o internet ay mas napapagaan ang paghahanap at pagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong at iba pa.

Marami na tayong nakikita sa social media na nakakalungkot na pangyayari gaya ng matatanda na lubhang nakakaawa. Isa na rito ang 90-anyos na lola na kinilalang si Lola Lucin. Ayon sa concerned netizen na si Jun Butac, nakatira umano si Lola Lucin sa Maanteng Solsona, Ilocos Norte.
Ibinahagi ni Jun ang nasaksihan na sitwasyon ni Lola Lucin. Naantig at nag-alala si Jun kay Lola Lucin kaya inupload nito ang ilang larawan ni Lola Lucin sa social media at nagbakasali na may mag-abot  ng tulong kay Lola.
Sinabi niya sa kanyang post na sa likod ng larawan ni Lola Lucin ay talagang hirap ito sa buhay na dahilan kung bakit namumulot na lamang siya ng kanyang makakain o ‘sinaklob’ ang kanyang ulam at pinagkakasya na lamang niya sa buong araw at tinitipid na lang niya ito.
Mag-isa na lang din sa buhay si Lola Lucin kaya naman sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang ibang pagpipilian kundi magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw-araw.
Dahil sa social media ay mabilis naman na nabalitaan to ng ilang mga tao na handang tumulong kay Lola Lucin. Isang Ma’am Rona umano ang nagpatulong na matunton si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.
Lubhang nakakalungkot ang sitwasyon ni Lola Lucin. Kaya naman, nang may mag-abot sa kanya ng tulong ay napangiti naman si Lola Lucin. Isang biyaya na sa kanya ang may magbigay ng tulong.