Home News Netizen nag-magandang loob sa isang matanda na hirap sa pag-aabang ng masasakyan

Netizen nag-magandang loob sa isang matanda na hirap sa pag-aabang ng masasakyan

Likas sa mga Pilipino ang pagiging mapagmahal at matulungin sa mga lolo at lola, kadugo man o hindi. Sa tuwing makakakita tayo ng matatandang tila hirap na sa paglalakad o pagkilos ay hindi natin maiwasan ang maawa sa kanila.

Cedrick Lee and lolo / Larawan mula sa Facebook
Ito ang ipinamalas na kabutihan ng netizen na si Cedrick Lee.
Sa kanyang Facebook post, ikinuwento nito kung paano niya tinulungan ang isang matandang lalaki na makauwi dahil hindi ito makasakay ng jeep.
Kwento ni Lee, napansin niya ang isang matanda na may dalang tungkod habang nag-aabang ng jeep na masasakyan sa Pamplona, Las Piñas. Sampung minuto na raw ang nakalipas ngunit hindi parin ito nakakasakay.

Ayon kay Lee ay mukhang iniiwasan ng mga jeepney driver na isakay ang matanda. Hindi na siya nagdalawang isip na kausapin ang matanda at alukin na ihatid nalang ito.


sabi ko tay hatid na kta kanina kpa dyan init pa. Ayun nag smile si tatay at nag pasalamat,” ani Lee.
Narito ang kanyang buong Facebook post:
“Kaiyak naman si tatay ‘pag matanda kna at nakita nilang my tungkod ka prang ayaw k nila isakay kasi makupad na ganito saten sa pilipinas. -tatay 

Nakita ko si tatay naka park ako sa bdo pamplona 3, kasi galing ako bangko nkatambay muna ako tas pinag mamasdan ko sya mga 10 mins na sya para ng para e walang napansin at humihinto sakanya na jeep kaya nilapitan ko sya at tinanung na tay san k punta sabi nia sa pamplona uno lng bago mg CTK, sabi ko tay hatid na kta kanina kpa dyan init pa. Ayun nag smile si tatay at nag pasalamat sila nalang dw ksi ng asawa nia mag kasama dto sa laspiñas kaya sya yung lumabas dumadalaw dalaw nalang dw mga anak nia. mga jeep dyn sa laspiñas mahiya nmnn kyo unahan kyo ng unahan sa pasahero pero mga ganitong kailangan nio isakay iniiwasan nio

Grupo Ng Mga Estudyante Tinulungan Ang Isang Lolo Na Magpulot Ng Bigas Na Natapon Sa Kalsada

Ang pagtulong sa kapwa ay wala dapat pinipiling tao o oras. Kapag kailangan ng kapwa mo ang iyong tulong ay dapat na handa kang ibigay ito ng taos puso. Minsan kung sino pa ang mga bata ay sila pa ang nagiging mabuting ehemplo dito sa ating lipunan.
Ang isang grupo ng mga babaeng atleta ng Altavas National School sa Aklan ay hinangaan dahil sa pagtulong diumano sa isang matandang lalaki na namumulot ng mga butil ng bigas sa kalsada.

Kwento ng isang estudyante na nakilala bilang si Harieth Pacis na pauwi na raw sila noon galing sa isang game sa Malinao. Nang nasa may bandang Lezo sila ay napahinto sila dahil mayroong silang nakitang isang matandang lalaki na nagpupulot ng bigas sa kalsada.
Maraming mga tao ang dumadaan ngunit wala ni isang nagkusang tumulong sa matanda. Noong masaksihan nila iyon ay naiiyak na lamang sila awa. Kaya naman pinahinto nila ang kanilang jeep na sinasakyan at silang lahat ay tinulungan ang matanda na pulutin ang mga nagkalat na bigas sa kalsada.


Bukod doon ay ang bawat butil ng bigas ay grasya kaya naman wala dapat na nasasayang.
Saad ng lolo na naglalakad siya bitbit ang biniling bigas ngunit bumigay ang plastic na pinaglalagyan  nito kaya naman natapon ang bigas sa daan.
Hinangaan naman ang mga estudyanteng ito dahil sa kanilang kabutihang asal at pagiging matulungin na kanilang ipinakita sa kanilang kapwa. Maging ang kanilang school principal at coach ay napahanga at sinabihan na sila ay mga role models ng kanilang eskwelahan.

Pinuri rin sila ng mga netizens at sinabi na sana ay tularan sila ng iba pang mga estudyante. Pinuri rin ang mga magulang at mga guro ng mga batang ito dahil pinalaki at tinuruan sila na magkaroong malasakit sa kapwa.
Hindi man sila nanalo sa kanilang nakaraang laro sa basketball ay panalo naman sila sa puso ng mga tao.

Source: Facebook, Facebook

Isang Matandang Babae na Matiyagang Nagtitinda sa Tabi ng Kalsada, Tinulungan Ng Netizens

Sa kabila ng ganitong sitwasyon, walang magawa ang mga ordinaryong tao lalo na ang mga mahihirap kundi ang kumayod kahit sa simpleng paraan lamang. Katulad na lamang ng isang nanay na ito na nagtitinda sa gilid ng kalsada para lamang kahit paano ay kumita ng pera ngayong panahon ng [email protected]

Ibinahagi ni John Mark Cayao sa kaniyang facebook account ang kaniyang kuhang larawan ng isang matandang babae na may nakalatag na mga sari-saring paninda sa gilid lamang ng daanan. Makikita sa larawan ang iba’t ibang uri ng tinda nito, kagaya na lamang ng prutas na pinya, mga rootcrops, at mayroon pa din itong walis. Kahit mainit ang panahon, nagtitiyaga pa ring magtinda ang nanay na ito para lamang may pangkain sila sa araw-araw nilang pamumuhay.

Ayon pa post ni John Mark, dahil sa sipag at tiyaga ng matandang babae kahit nasa gitna ng krisis ay naghahanapbuhay pa rin ito. Kaya naman labis na humanga sa kaniya si John Mark, dahil sa kasipagaan at katiyagaan nito sa pagtitinda kahit na may pandemiya. Kung kaya’t bilang tulong ni John Mark, siya ay nanawagan sa social media upang mabigyan ng tulong ang matandang babae.

Sa ginawang panawagan ni John Mark, inulan ng tulong ang matandang babae. Maraming mga netizens ang nagpaabot ng tulong sa matandang babae sa pamamagitan ng pagpakyaw ng kaniyang mga paninda. At hindi lang yun, binigyan din ito ng tulong pinansiyal para pandagdag puhunan niya sa kaniyang negosyo, pambili ng pagkain at gamot. May mga nagpaabot rin ng mga groceries para sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan.

Labis na natuwa ang matandang babae, dahil makakauwi na raw siya ng maaga na may dalang pagkain para sa kaniyang pamilya. Dagdag pa ng matandang babae, makakapagpahinga na rin daw siya pagkatapos ng buong araw niyang pagtitinda na bilad sa araw.

Buong pusong nagpasalamat si John Mark sa mga taong nagresponde sa kaniya na magbigay ng tulong sa matanda. Labis rin ang naging pasasalamat ng matandang babae sa lahat ng taong tumulong sa kaniya.
Tunay ngang kadakilaan na maituturing ang pagtulong sa kapuwa dahil ika nga nila, “ang tunay na nagmamahal sa kaniyang kapuwa ay siyang tunay na nagmamahal sa Diyos”.

62 years old na Lola, hinangaan ng marami dahil sa nakapagtapos ng High School kahit na may edad na


ng pinipili edad o kasarian ang kagustuhang matututo at mag abot ng mga pangarap kung lalo’t ito ay ipinagkait ito sa iyo ng kapalaran,

hindi lamang nasusukat sa piskial na anyo ng isang tao ang kagustuhang matuto at mangarap makapag tapos sa pag aaral.

si Josephine Amante 62 anyos na nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral kahit na ito ay may edad na Dahil sa kaniyang sipag at pagpupursige,

si Lola ay natanggap na ang nais-nais na diploma. Siya ay nakapagtapos sa programa ng gobyerno na Alternative Learning System.

Ayon din sa post, nais daw ni Lola na makapagtapos ng high school at pagkatapos siya ay may planong mag-aral ng culinary sa Technical Education and Skill Development Authority o TESDA.

lubos na hinangaan si lola josephine sa kanyang dedikasyong makapag tapos ng pag aaral kahit na ito ay may edad na,madaming humanga sa kanyang susumikap at naging inspirasyon ng marami dahil sa aking tiderminasyon na makapag tapos.

Mangarap ka at ito ay iyong makakamtan ika nga. Kahit gaano kahirap ang buhay, mangarap ka lamang dahil kapag ikaw ay may tiyaga at pagpupursige, makakamit at makakamit mo rin ito.

Tulad ni L0la Josephine, dahil sa kaniyang pangarap, hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang siya ay makapagtapos ng high school. Lahat ng pangarap ay makakamtan,

sa tamang oras basta sabayan lamang ito ng sipag at tiyaga.