Home News Netizen nalungkot sa kalagayan ng Lalaking Naninirahan sa Loob ng Tambak na...

Netizen nalungkot sa kalagayan ng Lalaking Naninirahan sa Loob ng Tambak na Basura,

Marahil ang karamihan sa atin ay hindi masisikmurå ang masansång na amoy ng tambak-tambak na basura. Kahit na mawalan ng tirahan ay mas nanaisin pa ng ilan sa atin ang manirahan at matulog sa kalye kaysa manirahan sa loob ng tambak ng basura. Ngunit paano kung wala ng ibang pagpipilian? Katulad na lamang ng sitwasyon ng isang matandang lalaki na natagpuang naninirahan sa loob ng tambak ng basura.

Ibinahagi sa facebook ni Attorney Kevin Amutan Anarna ang larawan ng matandang lalaki na nadaanan niya. Ayon kay Atty. Anarna, sa loob ng tambak na basura mismo naninirahan ang lalaki. Mahiyain at naiilang umano sa tao si Tatay kaya nahirapan si Atty. Anarna na kunin ang impormasyon nito. Noong una ay ayaw pa umanong sabihin ang pangalan niya ngunit dahil sa pangungulit ay nakumbinsi rin itong sabihin ang kanyang pangalang “Tatay Baldo”.

Kalahating katawan lamang umano ang kasya sa loob ng tinutulugan ni Tatay Baldo ayon pa kay Atty. Anarna ay delikad0 pa umano ang pwesto ni tatay baldo dahil kanto iyon at marami na ang naaksid3nte roon. Makikipagtulungan umano si Atty. Anarna sa LGU upang matulugan si tatay baldo na makita ang pamilya nito.

Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Anarna:

“Nakadaan na po ba kayo sa may kanto ng Brgy. Biluso sa Silang? Napansin ninyo siguro yung parang may bundok ng basura sa kanto.”
“May nakatira po doon sa loob. Medyo mahiyain si tatay at mailang sa mga tao kaya mahirap kumuha ng impormasyon sa kanya. Pero sa pangungulit namin ay nabanggit niya na Baldo daw ang pangalan nya at nakatira siya sa San Pablo, Laguna.”

“Sobrang liit lang ng tinutulugan ni Tatay Baldo. Kalahati lang ng katawan nya ang kasya sa loob ng tambak ng basura. Hindi ko maisip kung paano na ang kalagayan ni tatay tuwing may bagyo o umuulan. Delikado rin sa kanto na iyon na maraming naaksid3nte.”
“Hopefully makita na natin ang pamilya ni tatay Baldo at makauwi na siya sa piling ng nag-aalalang kamag anak niya. Tulong-tulong ay hinahanda na natin ang malilipatan na maayos na bahay at lupa ni tatay Baldo.”

Bulag na matanda, hinahayaan lang ng kanyang mga anak manlimos at maghanap-buhay

Lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ay handang suungin ng mga magulang lalo na ng mga Nanay maibigay lang ang lahat ng pangangailangan at ang nag-uumapaw na pag-aaruga nila para sa kanilang mga anak.

Kung kaya’t halos lahat ng mga anak ay gagawin din ang lahat masuklian lang ang pagmamahal at pagpapalaki ng kanilang mga magulang.

Ngunit tila baligtad ang naranasan ng isang Nanay na nag-viral mula sa post ni Jham Reblando, kung saan kahit pa sa katandaan nito at kapansanan ay nag ikot-ikot ito sa mga lansangan upang manghingi ng kaunting tulong para sa kanila ng mga malalaki na niyang mga anak.

Larawan kuha mula sa post ni Jhan Reblando

Ayon sa post ni Reblando, isang motorista, nakita niyang tumatawid ang isang matanda sa kalsada na siyang naging dahilan ng pagbagal ng takbo ng mga sasakyan kaya binaba niya ito at inalalayan hanggang sa makatawid.

Doon niya na nakita na nakapikit ang dalawang mata ng matanda at tanging dilim lang pala ang nakikita nito.

“Kaya pala ang bagal umandar dahil kay nanay. Mangiyak ngiyak ako ng lapitan ko ang lola at ng maaninagan ko ang mukha nya nakapikit ang dalawa nyang mata . Tanging dilim lang ang nakikita nya,” saad niya.

Nanghihingi-hingi ang matanda ng pambili ng bigas nilang mag-ina. Meron itong dalawang anak babae at lalake na kapwa malalaki na, na ayon sa matanda pera lang ang gusto.

Larawan kuha mula sa post ni Jhan Reblando

“Tinanong ko ulit si nanay kung bakit di sya sinasamahan ng anak nya. Ang tanging sinabi nya ay “ang gusto lang nila pera” ipinatago ko sakanya ang perang binigay ko kc malamang kukunin lang ng anak nya yun . Pambili nya ng bigas dahil un ang hiniling nya,” salaysay niya sa kaniyang Facebook post

“Ng matunton ko ang looban tinanong ko kung taga doon ba si nanay at sumagot ang mga tao oo daw at isa pala s mga anak nya ang napagtanungan ko s may tindahan may hawak na delata,” dagdag ni Reblando.

Narito ang kaniyang buong kwento:
Pls share iparating kay idol raffy..
Habang binabaybay ko ang cubao 14th ave. Para mag paayos ng motor nakasalubong ko ang isang kotse na dahan dahang umaandar sa gitna ng kalsada, tumabi ako para hintaying makalagpas ang kotse pero natanaw ko ang isang maliit na matanda na walang tungkod o kahoy na hawak.Sobrang bagal nya at ika ika sya maglakad agad akong bumaba para akayin sya papunta s gilid para makadaan na ang kotse. Kaya pala ang bagal umandar dahil kay nanay.
Mangiyak ngiyak ako ng lapitan ko ang lola at ng maaninagan ko ang mukha nya nakapikit ang dalawa nyang mata . Tanging dilim lang ang nakikita nya . Itinabi ko sya at tinanong kung taga saan. Sa looban daw sya ng 14th ave. Iniwan ko sya s gilid dahil may umakay na lalaki. Umalis nako at dumaan sa isang bakery at binilhan ko sya ng pagkain at dali dali akong bumalik s matanda. Sabi ko s isip ko sana nandun pa si lola. At naabutan ko pa sya naglalakad nnmn mag isa bumaba na ko s motor ko at inalalayan ko n sya pauwi sakanila . Kinuha ko ang sako nya para buhatin pero ayaw nya. Tinanong ko kung san sya galing, sabi nya sa mercury daw. Tinanong ko kung anong ginagawa nya dun at bakit sya nandun sabi nya namamalimos daw sya.
Binigay ko ang pagkain at pera dahil nanghihingi sya ng pambili bigas. Tanong ko nasaan ang kasama nya. Sabi nya nasa bahay may anak sya lalaki at babae. Tinanong ko ulit si nanay kung bakit di sya sinasamahan ng anak nya. Ang tanging sinabi nya ay “ang gusto lang nila pera” ipinatago ko sakanya ang perang binigay ko kc malamang kukunin lang ng anak nya yun . Pambili nya ng bigas dahil un ang hiniling nya. Ng matunton ko ang looban tinanong ko kung taga doon ba si nanay at sumagot ang mga tao oo daw at isa pala s mga anak nya ang napagtanungan ko s may tindahan may hawak na delata. Ang nasa isip ko bakit nyo pinabayaan ang magulang nyo kayo kakain na pero sya nakakain na ba? Pero dko masabi dahil sino ba ako para kwestyunin sila. Pero kayo na humusga 😭 at pagkatapos nun tumulo luha ko buti naka helmet ako at sobrang sakit ng puso ko ng iwanan ko n si lola s kamay nila.Kung sino man ang nakakakilala kay nanay o namumukhaan sya na wala ng makita at di nya alam kung saan na sya dumadaan tulungan po natin. Maaari syang masagasaan o mapahamak. Sana matulungan ni idol raffy.May mga anak na naaatim na pabayaan ang magulang nila. Bulag na at mag-isa sa kalsada naglalakad s kawalan makauwi lang sa sakanila. Di ko alam kung pano pa nya nababaybay ang 14ave. papunta s looban.SANA SA MGA ANAK NA KASAMA PA ANG MGA MAGULANG ALAGAAN HINDI YUNG PINAG TATRABAHO PA KAHIT MATANDA NA.

Source: Jham Reblando