Home News Niligtas ng alagang aso, Babaeng 2 buwang nasa ospital matapos makaladkad ng...

Niligtas ng alagang aso, Babaeng 2 buwang nasa ospital matapos makaladkad ng tren nakauwi na

May mga taong labis-labis ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga alaga na parang sila ay bahagi na ng kanilang pamilya.
Isang nakakabilib na kwento ng kabayanihan at pagmamahal ang ipinamalas ni Rachel dahil sa pagligtas nito sa kanyang aso na papatawid sa riles habang may paparating na tren. Sa kanyang pagligtas sa kanyang pinakamamahal na alaga ay sya ang nalagay sa peligro dahil nakaladkad sya ng tren.

credit to PAWSsion Project | Facebook

Nagtamo ng injury si Rachelle sa kanyang balakang at kinailangan umano itong sumailalim sa isang operasyon.

Makalipas ng dalawang buwan na gamutan sa ospital ay sa wakas nakalabas na umano si Rachelle ayon sa pagbabahagi ng update ng Facebook page na Pawssion Project.

credit to kjms

“SHE’S NOW HOME WITH HER FAMILY AND THEIR FUR BABIES. She was finally discharged today after several surgeries and ICU confinements and after around 2 months Niligtas ngthe hospital. Through everyone’s kindness and fervent prayers, we all helped save a life!!”, ayon sa post ng naturang page.

credit to PAWSsion Project | Facebook

Noong mga panahong nasa ospital umano si Rachelle ay naging matamlay ang kanyang alagang si Buddy at mahina umanong kumain. Malapit sa isa’t-isa si Rachelle at Buddy kaya naman ay naramdaman din ng aso ang kalungkutan noong hindi n anito nakikita at nakakasama si Rachelle.

credit to PAWSsion Project | Facebook

Marami ang nagparating ng pagbati at paghanga kay Rachelle, at narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“We are so happy for you, Rachelle, that you have recovered and Buddy. You are so lucky to have such a nice hoooman who loves you so much. Hope we can also find loving hoomans and loving homes one day.”, komento ng nakasubaybay na netizen sa kwento ni Rachelle at ni Buddy.

credit to PAWSsion Project | Faceboo

“Thank God for your reunion. May God continue to sustain you with good health and provide for all your needs. So touched, ang happy ni Buddy to see you again, Rachelle.” saad pa ng isang netizen.

Nairaos naman ng pamilya ni Rachelle ang lahat ng gastos sa ospital dahil marami ang tumulong sa kanila pagkatapos na nalaman ang tunay na kwento ni Rachelle.

Aso matiyagang naghintay sa kanyang amo habang namimili ng grocery

Ang aso ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging bantay sa ating bahay lalo na kapag tuwing gabi. Maliban rito, madami ang mga nagsasabi na ang aso ay man’s bestfriend. Ang aso kapag inalagaan at pinalaki mo ng maayos, ito ay magtatanaw ng utang na loob sayo. May mga aso na faithful sa kanilang mga amo, mayroon naman din na matapang dependi nalang kung paano mo sila ituring at palakihin. Gaya na lamang ng isang aso na ipinost ng isang netizen.

Ayon sa post ni Mateo Ahron Belleza Debil, nang mag park siya sa Savemore Bagbaguin may nakita siyang isang aso na nakaupo sa may labas ng entrance ng Savemore. Tinanong niya raw ang Security Guard na nakabantay doon kung sino daw ang may ari ng aso, ngunit ang tugon ng nasabing Security Guard ay hindi niya raw alam.

Tinawag pa raw ni Mateo Ahron ang aso, ngunit ang tanging tugon lamang ng aso ay ang pagkindat nito kay Mateo. Maya-maya pa ay lumabas na ang may-ari ng aso mula sa loob ng Savemore, pagkalabas nito agad namang tumayo ang aso at sinalubong niya ang kanyang amo.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Mateo na malusog ang aso, halata naman talaga na alagang-alaga ng kanyang amo. Kaya naman, maraming netizens ang natuwa sa aso at ang iba naman sa kanila ay nagbigay ng kanilang komento. Karamihan sa kanila sinasabi na ganon daw talaga ang aso, kusang naghihintay kung saan ito iniwan. At may netizen naman ang nalungkot dahil naalala niya umano ang kanyang aso na nawala. Narito ang iilan sa mga komento ng netizens:

“Ganyan rin aso naming hinatid kami palabas at d siya uuwi pag d pa kame naka sakay ng tricycle.”

“A very loyal dog. Ang swerte ng amo niya.”

“Ganyang ganyan yung aso ko. Hinahatid pa ako lagi sa sakayan ng jeep kapag papasok ng school. Unfortunately, huling hatid nya na pala. Pag-uwi ko wala na sya..”

Source: Facebook

Batang mahilig magpakain ng asong kalye bago pumasok sa Eskwelahan, naging sikat sa Social Media!

Ikaw ba ay hindi mahilig sa mga hayop o kaya mong tiisin makita ang mga asong nagugutom na walang tahanan o makain? hindi bagay sa iyo ang kwentong ito.

Nakakaantig ang kwento ng batang ito dahil pinapakain niya ang asong kalye bago siya pumasok sa Eskwelahan.

Alam natin na ang aso ay matalik na kaibigan ng mga tao dahil pwede natin silang kaagapay sa trabaho at maging kasama sa buhay kahit ano pa ang problema na ating dadaanan. Hindi tulad ng ibang hayop, ang aso ay mas madaling mapalapit saatin dahil alam nila makisama sa mga tao na may katapatan, pagmamahal at tiwala.

Kamakailan lang may isang batang sumikat sa social media dahil sa video na kumalat kung saan binibigyan ng bata ang asong kalye ng pagkain na galing sa kanyang sariling baon.

Maraming naantig sa kwento ng bata dahil sa kanyang busilak na puso at umani ng samu’t saring papuri mula sa ibang tao.

Makikita sa mga litrato ang isang bata na nag ngangalang Kevin na nagbibigay ng tinapay sa asong kalye na gutom na gutom na dahil wala itong tirahan at makain.

Alam ni Kevin sa kanyang sarili na mahuhuli siya sa klase ngunit nakuha niya pang pakainin at pansinin ang asong kalye. Kahit gusto ni Kevin na kupkupin ang aso ay hindi niya ito magawa at hindi niya rin ito matiis kaya nagawa na lamang nito ay bigyan ng baon niyang tinapay ang aso na dapat sana ay pagkain nya para sa araw na iyon.

Pagkatapos ibigay ni Kevin ang kanyang baon ay dali-dali na siyang pumasok sa kanyang klase pero ang asong kalye ay humahabol sa kanya at gustong sumama, halatang gustong gusto siya ng asong kalye at dahil mahuhuli na sa klase si Kevin, sinabihan niya nalang ang aso na maghintay at babalikan niya ito pagkatapos ng kanyang klase sa ekwelahan.

Source: Readers Portal