Home News Ninang pinagbabayad sa Binyag, sapilitan din pinag sponsor ng cake sa halagang...

Ninang pinagbabayad sa Binyag, sapilitan din pinag sponsor ng cake sa halagang 5k

Nagulantang ang isang netizen nasi Angel Samarita Perez sa kaniyang kaibigan na magiging kumare pa sana niya nang bigla itong mag chat upang sana’y kunin siyang ninang sa anak nito.

Biglaan at hindi naging preperado ang netizen nasi Angel Samarita sa chat ng kaniyang kaibigan, ngunit dahil naging kaibigan naman niya ito at naging malapit narin sa isat-isa ay hindi na nagawa pang tanggihan ito

At pumayag na maging ninang ng kaniyang anak, Ngunit sa kaniyang pagpayag walang anu-ano’y humirit ka agad ito ng 800 pesos upang ipambayad sa simbahan dahil total ay mag nininang naman siya ay dapat lamang na humingi ng pakimkim ang ina ng bata.

Ngunit kasabay nang paghingi nito ng ₱800 pesos ay humirit din kaagad ito ng mahigit ₱5,000 upang ipambili naman ng 3-layered na cake para sa inaanak nito.

Nagulat at nabigla ang netizen nasi Angel sa inasal ng kaniyang kaibigan, dahil sa pambibigla nito sa kaniyang kunin na ninang at agad na humingi ng malaking halaga.

Dahil dito ay napaatras bigla ang netizen at humingi ng paumanhin upang tanggihan ang hinihinging pera nito saad niya sa kaniyang kaibigan “Naku marzz sorry pero di talaga kery nakita mo naman siguro post ko katapos lang di ng b-day ni bb, tsaka marami pa kaming binabayaran, tska di naman porke’t seaman asawa ko mapera na agad hehehe.

Nadismaya naman ang kaniyang kaibigan na tila hindi nagustuhan ang sagot nito mula sa kaniya saad nito “Ok okay iba nalang ang kukunin kong ninang (sabay banggit ng pangalan ng ibang kaibigan) baka may makuha pa ako dun”