Home News Ogie Diaz may matinding pahayag kay Jasmine Curtis dahil sa akusasyon ng...

Ogie Diaz may matinding pahayag kay Jasmine Curtis dahil sa akusasyon ng aktres na ninakaw ng delivery rider ang kanyang order

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Ogie Diaz hinggil sa naging pahayag ni Jasmine Curtis. Tungkol sa delivery rider na nag-handle ng kanyang order.

Kamakailan lang ay binatikos ng maraming netizens si Jasmine Curtis.

Ito ay dahil pinost niya ang litrato ng Grab driver at inakusahan pang ninakaw ang in-order niyang food nang hindi dumating sa oras na dapat i-deliver sa kanya.

Kahit blurred ang photo ng Grab driver, hindi pa rin daw maganda ang ginawa ni Jasmine lalo’t marami ang nakabasa sa tweet niyang “Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won’t answer texts or calls.”

Binura na ni Jasmine ang post niyang iyon. Ito ay matapos may mag-react na netizens na baka naman hindi ninakaw, baka, nagkaproblema lang ang driver. Bigyan naman sana raw ng benefit of the doubt.

Nagbigay naman ng paliwanag ang aktres kung bakit tinanggal na niya ang kanyang post.

Samantala, nagbigay naman ng kanyang komento si Ogie Diaz ukol dito.

“Hindi ba puwedeng nagmomotor ‘yon, Jasmine? Alam mo bang mas madidisgrasya ‘yun habang nagmomotor dahil kailangan kang sagutin? Ikaw kaya mag-motor,” paglalahad ni Ogie.

Nabanggit rin niya ang sinabi ng aktor na si Lester Llansang na isa ring delivery rider na minsan ay dapat ring intindijin ng customers kung saan nanggagaling ang mga delivery rider.

Saad pa ni Ogie, sa tingin niya ay hindi naman siguro ipagpapalit ng rider sa maliit na halaga ang pangalan at trabaho.

“Buti naisip mong i-blur ‘yung mukha nung driver. Next time, konting empathy, konting compassion,” payo naman ni Ogie.

Aminado naman si Jasmine na may pagkakamli din siya sa nagawa niyang ito.

Ogie Diaz, nagbigay ng reaksyon tungkol sa balitang may anak na si Yen Santos sa isang politiko!

“Wala pong anak si Yen,” ito ang giit ni Ogie Diaz.

Matapos na masangkot ang pangalan ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan ng mag asawang Paolo Contis at LJ Reyes, kabikabila ang naging isyu ng aktres.
Isa na dito ang paratang na may anak umano ang dating Pinoy Big Brother housemate sa isang politiko.

Ayon sa chismis, may anak daw si Yen sa isang politiko at itinatago lamang ito ng aktres. Pero ang talent manager na si Ogie Diaz na ang nag sabi na walang katotohanan ito.

Sa kanyang YouTuebe channel na Ogie Diaz Showbiz Update, isa ito sa naging usapan nila ni Tita Jegs.

Actually nakarating din saakin yan na si Yen daw eh may anak na, na itinago lang daw. But the truth is, wala pong anak si Yen. Yan ang alam ko ha, walang anak si Yen at yung tinutungo nilang anak ni Yen, ay hindi po iyon anak ni Yen kundi yun ay kapatid daw ni Yen…” paliwanag ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Na inanak sa binyag ng isang politician. Kaya duon ay usap usapan na anak iyon ni Yen.

Kasi kung si Yen nag buntis, malamang Jegs ehdi may picture na kumalat. Ang dami pa namang Marites at Mosang ‘diba… Wala naman tayong nakitang lumalakad si Yen, buntis. Wala namang ganun eh…”

Sa ngayon, mainit ang pangalan ni Yen dahil sa mga kumalat na larawan nila ng aktor na si Paolo Contis na magkasama sa Baguio.