Ika nga nila ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang mga kabataan ang hinuhubog upang magkaroon ng magandang kinabukasan at maging kapaki-pakinabang sa lipunan. Ngunit, dahil sa kahirapan maraming mga kabataan ngayon ang maagang nagbabanat ng buto upang matulungan ang kanilang mga magulang.Isa na rito ang nakakaantig na kwento ng isang batang naging “plantotoy”, dahil sa kaniyang ginagawang pagtatanim ng mga halaman at pagtitiyagang maibenta ang mga ito.
Siya ang batang si Rafie Lumapit 12 taong gulang na taga Plaridel, Quezon. Ayon sa ina ni Rafie na si Aling Maribel Lumapit, sa hirap ng kanilang buhay silang mag-anak ay nakipagsapalaran sa Maynila kung nasaan andoon ang mga magulang ng kaniyang asawa. Sa kanilang paninirahan sa Maynila, tanging pagtitinda lamang ng sampaguita ang naging hanapbuhay ni Aling Maribel.
Dahil nagka-pandemiya napilitan sila na bumalik sa probinsiya upang doon na lang mamuhay.Sa kanilang pamumuhay sa probinsiya lagi silang hikaos sa buhay, kaya kung ano-anong hanapbuhay na lang ang ginagawa ni Aling Maribel at ng kaniyang asawa upang maitagayod lang ang kanilang pamilya. Isa na hanapbuhay na ginagawa ni Aling Maribel at ng kaniyang anak na si Rafie ay ang magtanin ng mga halaman at ibenta ito sa bayan upang may pangkain sila sa araw-araw.
Dahil hirap nga sila sa buhay, tinutulungan ni Rafie ang kaniyang ina na mangolekta ng mga halaman upang ito ay itanim at ibenta sa kanilang mga suki. Sa murang edad ni Rafie, siya ay naglalako ng mga halaman at gulay para lang matulungan ang kaniyang ina sa pangkain nila sa araw-araw. Ayon pa kay Aling Maribel, minsan daw hindi niya namamalayan na nilalako agad ni Rafie ang kanilang mga halaman upang makabili agad ito ng kanilang pagkain kagaya na lang ng bigas, tinapay at ulam.
Kasama ni Rafie sa paglalako ang kaniyang nakababatang kapatid, tinitiis ng magkapatid ang paglalakad maubos lang ang kanilang itinitindang mga halaman. Marami ang naaawa sa kalagayan nila Rafie kaya ang kaniyang mga suki ay binibigyan sila ng mga pagkain na kanilang inuuwi. Ang ama ni Rafie ay pag-eextra lang sa construction ang hanapbuhay at maswerte na ang kumita sila Rafie ng Php800 sa isang araw dahil makakain sila ng masasarap na pagkain.
Sa sobrang hirap ng kanilang buhay, pinagtitiyagaan na lang ng kanilang pamilya ang bagoong na isda na ginigawa ng kaniyang ama na kanilang iuulam sa araw-araw. Kahit na nakakaramdam sila ng sakit sa sikmura ay kanilang tinitiis dahil wala silang perang pangtustos sa ραmραgαmσt. Nasasaktan umano si Aling Maribel kapag wala silang makain at ayaw siyang pagbigyan ng bigas ng kanilang ibang mga kapitbahay
Dagdag pa niya, tinitiis daw niya ang mga ραnℓαℓαιt ng mga ito para lang sa kaniyang mga anak. Sa kakapusan sa pera, nagawa ni Aling Maribel maibenta ang lahat ng kanilang mga gamit upang mαιραgαmσt ang kaniyang isang anak na may sαkιt nα Mεnιngιtιs. Kaya malaki ang kaniyang pasasalamat dahil tinutulungan siya ng kaniyang anak na si Rafie sa paglalako ng mga halaman at gulay para lang malagyan ng pagkain ang kumakalam nilang sikmura.
Pαgkαgαℓιng ni Rafie sa paglalako, sunod naman niyang inaasikaso ang kaniyang pag-aaral gamit ang maliit na ilawan ay matiyagang nag-aaral si Rafie. Talagang napakabait na bata ni Rafie, dahil nagagawa pa niyang maalagaan ang kaniyang kapatid na may sαkιt. Nakakaantig ng puso ang makakita ng mga batang kagaya ni Rafie na tumutulong sa kaniyang pamilya. Isang inspirasyon ang kaniyang kwento lalo na sa mga kabataang hindi pinahahalagahan ang kanilang pamilya at pag-aaral.