Home News Paolo, gusto na raw sumunod kay LJ sa New York upang makipag...

Paolo, gusto na raw sumunod kay LJ sa New York upang makipag ayos, Lolit Solis may bwelta na naman.

Binira na namang muli ng batikang kolumnista na si Lolit Solis ang kanyang alaga na si Paolo Contis.

Sa nakaraang episode ng digital talk show nina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. FU na Take It Per Minute. Naging topic nanaman nila ang kontrobersyal ngayon na aktor na si Paolo Contis.

Ayon kay Manay Lolit ay nagba-bible study daw ngayon si Paolo habang ito ay nasa taping ng bago niyang serye sa Kapuso.

Pinahayag naman ni Mr.FU na narinig daw niya na nais na umano ni Paolo na makipag-ayos sa dating partner na si LJ Reyes.

“Pero gusto na raw niyang makipag-ayos kay LJ,” turan ni Mr. Fu. Banggit naman ni Manay Lolit, “Hindi naman ganun.”

“Ibig lang sabihin, kahit naman sinong tao kapag malalim ang problema, gusto nating maayos. Pero hindi yung sasadyain niya sa New York si LJ,” paliwanag naman ni Cristy.

“Naku, wala siyang pamasahe noh, Tumigil siya,” prankang komento naman ni Many Lolit ukol dito.

Dagdag pa nga nito kailangan daw mangutang ni Paolo para makita niya si LJ at anak nilang si Summer. Na ngayon ay namamalagi na sa New York.

At dahil dito pabirong naitanong naman ni Cristy, “Teka, ba’t yung mga alaga mo, walang pera?”

Ayon kay Lolit meron daw pera si Paolo pero hindi daw sasapat para makabyahe sa ibang bansa ng ganun ganun na lang.

Panigurado daw siyang wala itong ipon at pabiro pang sinabi na naubos na dahil sa pagpunta punta sa Baguio.

In short pang Baguio lamang daw ang budget ni Paolo at hindi nito afford ang makapunta ng New York para suyuin si LJ.

Source:IG/paolo_contis

Muli na namang binulabog ni Lolit Solis at Cristy Fermin ang social media sa isang na namang episode ng kanilang YouTube show na ‘Take It Per Minute’ noon lamang September 21. Ito ay ng kanilang maging usap-usapan na naman ang kontrabersyal na aktor na si Paolo Contis.

Pinag-uusapan nila ang tungkol kay Paolo, na nagbi-bible study na raw umano ito habang nagte-taping at sinabi naman ni Mr. Fu na gusto umano ni Paolo na magkaayos sila ni LJ.

Saad ni Mr. Fu, “Pero gusto na raw niyang makipag-ayos kay LJ.”

Agad din namang sinabi ni Cristy na hindi iyon ang naging kaso sa ngayon. Ika naman ni Cristy Fermin, “Hindi naman ganun.”  Paliwanag pa ni Cristy, “Ibig lang sabihin, kahit naman sinong tao kapag malalim ang problema, gusto nating maayos.”

Source:IG/paolo_contis

Dagdag pa niya, “Pero hindi yung sasadyain niya sa New York si LJ.”

Nagreact at sinabi pa ni Manay Lolit na wala umanong pamasahe si Paolo patungong New York kaya hindi niya umano nagawang sundan doon ang kanyang mag-ina.

Pahayag pa ni Manay Lolit, “Naku, wala siyang pamasahe noh.”

“Tumigil siya”, dagdag pa niya.

Ayon pa kay Cristy, kaya raw gusto pumunta ni Paolo sa New York ay upang makita ang anak nitong si Summer.

Source:IG/paolo_contis

Aniya pa, “Para makita niya rin si Summer.”

Sabi naman ni Manay Lolit na kung walang perang pamasahe si Paolo mangutang na lamang daw ito kung talagang gugustuhin na magkaayos sila ni LJ.

Ika ni Manay Lolit, “Mangungutang siya.”

Pabiro pang tinanong ni Cristy kay Manay Lolit na wala ba daw umanong pera ang kanyang mga talent artist.

Source:IG/paolo_contis

“Teka, ba’t yung mga alaga mo, walang pera?”, giit naman nito.

Matapos ang kontrabersyal na hiwalayang Paolo at LJ, naninirahan ngayon ang aktres kasama ang kanyang mga anak sa New York kasama ang kanyang pamilya upang doon makapag-simula silang mag-ina ng panibagong buhay.