Home News Presyo ng suot ni Jinkee Pacquiao sa laban ni Manny kay Ugay,...

Presyo ng suot ni Jinkee Pacquiao sa laban ni Manny kay Ugay, 2.26M pesos ang presyo!

Nakakalula! OOTD ni Jinkee Pacquiao sa laban ng mister kamakailan kulang kulang tatlong milyon ang presyo.

Agaw-pansin ang naging kasuotan ni Jinkee sa naging laban ng kanyang asawa na si Manny Pacquiao.

kay Cuban professional boxer na si Yordenis Ugas kamakailan.

Kaya naman usap-usapan na naman sa social media kung magkano nga ba ang halaga ng kanyang pink OOTD.

 

Sa IG post ng account na @jinkeepacquiaocloset ipinakita kung magkano ang presyo ng lahat ng naging kasuotan ng asawa ng boxing champ.

Ayon sa nasabing account, ang Shelly cutout pink linen-voile mini dress mula sa Zimmerman ay nagkakahalaga ng $870 o P43,530.

Ang Mini Lady Dior pink alligator bag naman ni Jinkee ay naglalaro sa mahigit kumulang $9,500 to $11,145 (o P475,000 hanggang P558,000).

Samantala, ang Bypass Ball 18k yellow gold bracelet naman nito mula sa Tiffany and Co. ay umaabot ng $1,950 o 97,568.25 at ang City HardWear 18k yellow gold and diamond pavée bracelet naman ay aabot sa $18,500 o nasa P925,647.

Ang suot naman niyang kwintas ay Jewel Box 18k yellow gold and emerald-cut pink tourmaline.

It’s from Tiffany and Co. Worth P236,415.

P227,945 naman ang 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings with rhodolite.

Hindi pa dito kasama ang iba’t-ibang mga singsing na suot ni Jinkee. Sa kanyang kamay at designer heels na suot niya sa mismong laban.

 

Kung susumahin aabot ng halos 2.26 Million pesos ang halaga ng full OOTD ni Jinkee sa laban ni Manny kay Ugay.