Home News Pulubing Lalaki na Ginupitan, Binihisan, Pinaliguan, At Kinupkop ng mga Sakristan

Pulubing Lalaki na Ginupitan, Binihisan, Pinaliguan, At Kinupkop ng mga Sakristan

Isang nakakabilib na kwento ang ibinahagi ng mga sakristan ng San Roque Parish sa Mawab, Davao De Oro tungkol sa lalaking pulubi na si Totong.

Sa halip na balewalain si Totong ay tinulungan nila ang mga ito. Ginupitan nila ang buhok nito, pinaliguan, binihisan at kinupkop nila. Makikitang sadyang hindi naging maganda ang kapalaran ni Totong ngunit ngayon ay babaligtad na ito.

Pahayag ni Teotristan Batutay, “Gitabangon namo siya kay naluoy mi ug arun makita namo siya hinlo.” [Tinulungan namin siya dahil naawa kami sa kaniya at upang makita namin siyang malinis.]

Makikita sa mga picture na binahagi ng mga ito na madungis at marumi si Totong. Bilang palaboy ay umaasa lamang ito sa mga nagmamagandang loob sa kaniya na magbigay ng pagkain o ano pa man. Nakita rin ito ng mga sakristan nang walang pantaas na damit.

Masipag naman na ginupit ng mga sakristan ang kanyang buhol buhol na maruming buhok. Makikita sa larawan ang saya at ngiti ni Totong na sa wakas ay nakaramdan ng ginhawa.

Mula sa buhok pa lamang ay ibang iba na ang hitsura ni Totong. Pinagpatuloy naman ng mga sakristan ang paglilinis kay Totong sa pamamagitan ng pagpapaligo sa kaniya. Nang mapaliguan na si Totong ay binihisan na nila ito ng maayos at malinis na damit at binigyan ng pagkain na makakain.

May mga komento naman mula sa mga netizens na nagsasabi na dati umanong sakristan si Totong kaya naman ay kahit na palaboy ay makikita ito sa simbahan tuwing Linggo.

Pinuri naman ng mga netizens ang kabutihan na ipinamalas ng mg sakristan kay Totong. Ayon sa isang netizen, “Good job boys. Pinakita ninyo ang katangian ng totoong Kristyano – matulungin, mahabagin, at may malasakit sa kapwa lalo na sa mga mahihirap, nangangailangan at iyong mga kinalimutan ng lipunan.”

Nakakainspire ang pagiging matulungin ng mga sakristan na ito. Minsa’y isang mabuting gawa lamang ang kinakailangan upang mabago ang buhay ng isang tao.

Bata palang kargador na

sabrung hirap ibang tao na pipilitan na mag trabaho kahit murang edad pa ito para makatulong sa magulang  mas pili lang mag trabaho kesa mag laro sa kalsada

Minsan, mapapaisip tayo kung bakit ganito kahirap ang pinagdadaanan natin at wala man lang ni isang tao na lumapit at tumulong sa atin, kahit pa ang pamilya natin.

Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, habang tayo ay kontento o tanggap na ang ating mga buhay at paghihirap, doon darating ang isang tao na tutulong sa atin ng buong puso. Unang nakilala ng mga Pilipino o netizens ang isang bata na kargador sa Divisoria sa video ng isang vlogger na si Techram. Ang batang kargador ay 12-anyos, ayon sa kanya siya daw ay lumayas sa kanila dahil pinalayas siya ng kaniyang sariling ina na mayroon ng bagong kinakasama. Ang batang iyon ay si Dave, siya daw ay inampon ni Kang Martin at dahil don siya ay napadpad sa divisoria at naging kargador. Maraming puso ang napaiyak sa kwento ni Dave at ito ay unang tinulongan ni Techram hanggang sa bumuhos na ang tulong mula sa ibang tao.

Si Dave ay kinupkop ni Techram dahil hindi naman ganon kaganda ang buhay ng mga umampon sa kaniya. Tinulongan din ni Techram ang mga umampon dito, hinanap ang mga magulang, at tinulongan din. Sa kasalukuyan, si Dave ay kasama parin ni Tekram, siya ay malusog na, nakakapag-aral, at nakakapag laro na walang inaalalang trabaho.

Sa buhay, maraming magagandang bagay na nangyayari na ‘di natin inaasahan. Minsan ang mga taong hindi natin kadugo o kilala, sila pa ang handang tumolong at magmalasakit sa atin. Gaano man kahirap ang buhay, mayroon paring mga tao tulad ni Techram na handang mag-alay ng tulong para sa iba na walang hinihintay na kabayaran.