Home Tech Rob Moya, emosyonal ng nagpaalam sa kanyang ex-girlfriend na si Toni Fowler...

Rob Moya, emosyonal ng nagpaalam sa kanyang ex-girlfriend na si Toni Fowler dahil sa panibagong pag-ibig nito ngayon.

Naging emosyonal ang muli o tila huling pagtatagpo ng dating magkasintahan na sina Toni Fowler at Rob Moya.

Sa latest vlog ni Rob Moya ay naging guest niya ang dating partner na si Toni Fowler. Dito ay napagkasunduan nilang ayusin ng muli ang kanilang pakikitungo sa isa’t-isa.
Ito ay matapos ang ilang isyu na ibinato nila sa magkabilang kampo matpos ang kanilang maintrigang hiwalayan.

Sa nasabing vlog na may title na, “Nagpaalam na ako kay Mommy Toni” ay pinag-usapan ng dalawa ang kontrobersiyang kinasangkutan nila.

Nagkapatawaran na sila at inamin ang kani-kanilang mga kamalian.

Isa na dito ay nang magkaroon ng feelings si Toni kay Tito Vince habang magkarelasyon pa sila noon ni Rob.

Sa isang parte ng kanilang video ay hindi naman napigilan ni Toni ang maging emosyonal. Habang sinasabi niya na lahat ay may karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon.

Upang maitama ang mga kamaliang nagawa sa nakaraan.

“Nakakaiyak naman ‘to, mommy,” saad ni Rob na pinipigilan ang kanyang mga luha. Habang inilalahad ni Toni ang usapin tungkol sa pagpapatawad.

At kung paano pa rin siya nag-aalala para sa dating nobyo.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, inilahad ni Toni na ang rason kaya siya binisita ni Rob ay para ipaalam sa kanya na may bago na itong nililigawan.

“Si Daddy Rob, kaya po siya andito, hinihingi niya yung basbas ko na ipapakilala na po niya sa inyo ang babaeng nililigawan po niya,” paglalahad ni Toni.

Sinabi daw ito sa kanya ni Rob bilang respeto sa kanya, at para na rin daw hindi maapektuhan ang feelings ng anak niyang si Tyronia.

Naging masaya naman ang ToRo fans dahil sa pagkaka-ayos ng tinatawag nilang Mommy Oni at Daddy Rob.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Rob Moya, niregaluhan ang kanyang dating asawa na si Toni Fowler at anak nitong si Tyronia ng kwintas na gold.

Patuloy pa rin ng panunuyo si Rob Moya sa kanyang dating partner na si Toni Fowler.

Kamakailan nga lamang ay nagka-ayos na sina Toni at Rob. Nag-umpisa ito nang muli silang magkita para sa kanilang alagang aso.
Ibinahagi pa ni Toni ang video nila ni Rob sa kanyang vlog.

At simula nga noon ay tila unti-unti ng nanunumbalik ang magandang samahan ng dating magkasintahan.
Hindi na nga pinalampas ni Rob ang pagkakataong ito at pinipilit niyang mapasakanyang muli si Toni.

Sa kanyang Instagram post nga kamakailan ay ibinahagi niya kung gaano niya namiss sina Toni at Tyronia.
Tatlong taon din kasi silang nagsama at siya na ang tumayong tatay ni Tyronia sa mga panahon na iyon.

Kaya naman sa kanyang latest vlog, pinagsumikapan talaga ni Rob na mapalapit na muli sa mag-ina.

Sa nasabing vlog ay kasama ni Rob si Toni at kinuha na nila ang alaga nilang aso sa beterenaryo.

Sa kalagitnaan ng vlog ay ay may regalong ibinigay si Rob para sa kaarawan ni Toni kamakailan.

Binilhan niya ito ng alahas, at syempre mayroon din para kay Tyronia at personal niyang iniabot ito. Siya mismo ang nagsuot kay Toni ng kwintas na kabilang sa set ng alahas na kanyang binili.

Nakita rin sa video ang reaksyon ni Tyronia ng malaman niya na galing kay Rob ang mga alahas.

Napansin pa ng ibang netizens na tila naguluhan ang bata at nag-alangan na tawaging Daddy muli si Rob.

Ngunit gayon pa man ay pinasalamatan pa din ni Tyronia si Rob sa realong ibinigay nito sa kanila.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video: