Rob Moya naging emosyonal sa paghaharap nila ni Tito Vince, aminadong nasaktan ng mahulog ang loob ni Toni sa binata

Nagkaharap na sina Rob Moya at Vince Flores na parehong may kaugnayan kay Toni Fowler.

Sa latest vlog ni Tito Vince ay si Rob Moya ang kanyang naging kasama. Kung saan nagkaroon siya ng chance na tanungin ito sa ilang bagay.

Kabilang sa mga naitanong kay Rob ay kung ano ang naramdaman nito nang malaman niyang may nararamdaman na si Toni para kay Vince.

At dito ay naging emosyonal si Rob ng alalahanin niya ang kanyang naramdaman. Noong nalaman niyang nagkagusto sa iba ang babaeng kanyang minamahal noon.

Ayon kay Rob si Toni kasi ang pinakamatagal niyang nakarelasyon at si Vince naman ay parang kapatid ang kanyang turing.

Labis umano siyang nasaktan ng mga panahon na iyon pero nilinaw niya na wala na siyang galit na nararamdaman ngayon para sa dalawa.

Pinaliwanag din ni Rob sa nasabing vlog na hindi siya nangbabae. At noong mga panahong wala siya palagi sa bahay, may mga tao lang umano siyang iniiwasan sa kanilang bahay.

Habang humihingi naman ng sorry si Vince kay Rob ay hindi na rin nito napigilang maging emosyonal. Aniya pa wala talaga siyang gusto kay Toni noong sila pa ni Rob at nahulog na lamang ang loob niya dito nang nagkaroon na ng problema.

Samantala, buo naman umano ang suporta ni Rob kung sakaling sina Toni at Vince ang magkatuluyan.

Tulad na lamang ng suporta ng mga ito para sa masayang relasyon nila ngayon ng kanyang kasintahan.

Dagdag pa ni Rob, masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya dahil unti-unti nang bumabalik ang lahat sa dati.

Panoorin dito ang kanilang pag-uusap:

Toni Fowler buong pusong sinuportahan ang ex-BF na si Rob Moya para sa surpresa nito sa bago niyang kasintahan

Ipinakita ni Toni Fowler ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.

Bagamat hiwalay na si Toni sa kanyang dating partner na si Rob Moya, buong puso pa din ang pagsuporta nito para sa binata.

Kamakailan nga lamang ay si Toni pa mismo ang nag-arrange ng surpresa ni Rob para sa kanyang nililigawan.

Sa condo kung saan naninirahan ang ToRo family ginanap ang nasabing surpresa ni Rob para sa bago nitong kasintahan na si Jennifer Del Rosario.

Si Toni ang nag-ayos ng mga rose petals na ginawa niyang hugis puso. At habang inaayos niya ito ay ibinahagi niya ang kanyang nadarama.

Ayon kay Toni naging emosyonal siya dahil masaya siya para sa bagong pag-ibig ni Rob. Ito daw kasi talaga ang hinihiling niya para sa dating nobyo.

Dahil aminado siya na sa naging relasyon nila noon ay nasaktan din niya ang binata. Kaya naman para makabawi siya sa mga nagawa niya sa nakaraan ay full support ang ibinigay niya rito.

Maging ang anak niyang si Tyronia ay tumulong sa paghahanda para sa sorpresa. Lingid umano sa kaalaman ni Jen ang sorpresang ito dahil inakala nitong simpleng meet-up lang ang kanilang gagawin.

At sa kanila ngang unang pagkikita ay tila nagkagaanan na ng loob ang dalawa. Ayon kay Toni, masaya siya at hindi intrimitida ang bago ni Rob.

Pinasalamatan din ni Toni si Jen sa pagpapasaya nito kay Rob matapos ang masalimuot na pagbabangayan nila.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang ginawang ito ni Toni.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Naiiyak aq. I know now why Toni Fowler is being blessed continuously”

“Sakit neto kakalungkot makita yung mag ina na nasagilid at taga palakpak nalang ng lalaking minsang naging sakanila”

“ramdam ko deep inside nasasaktan din si mommy oni kasi naging big part si daddy rob sa buhay nilang mag ina”