Home News Sekyu, binuhusan ng tubig na mainit ang isang batang palaboy

Sekyu, binuhusan ng tubig na mainit ang isang batang palaboy

Nangga-galaiti sa galit ang isang netizen, matapos makitang buhusan ng tubig na mainit ng isang sekyu ang isang batang palaboy
Sa natunghayan ng netizen ay agad niya itong kinumpronta upang kausapin na mali ang kanyang ginawa, nakita rin ng netizen na kung papaano tumakbo at umiyak ang batang palaboy matapos itong buhusan ng tubig na mainit.


Anya ng sekyu, madalas daw umanong tumambay ang mga ito sa nasabing establishimento at kahit anong suway niya sa mga ito ay hindi ito umaalis at pabalik-balik lamang ang mga ito.


Kung kaya niya nagawang buhusan ng tubig na mainit ang mga batang palaboy, Aniya ng netizen “Mali parin ang ginawa mo, may anak ka diba?! paano kung sa anak mo gawin yan ano ang mararamdaman mo? bata yan e”

“Natutulog yung mga bata, tapos bubuhusan mo ng tubig na mainit tama bayang ginawa mo? alam kong trabaho moyan na suwayin ang mga palaboy pero mali yung buhusan mo ng tubig na mainit”