Home News Service crew sa isang fastfood Jollibee hinangaan ng marami

Service crew sa isang fastfood Jollibee hinangaan ng marami

Isang service crew ang kinuhaan ng larawan ng isang netizen nasi Irish Maligalig Portento Caraan, matapos kasi nitong mapansin na may karatulang nakasulat sa kaniyang dibdib
At ang nakalagay sa karatula “Hi i’am “FREDERIC” P W D i’can only communication writing preferably in english. TY”

Kung bakit kinunan ng netizen ng larawan ang service crew kwento niya “Sa sobrang dami kong problema, Naisipan ko munang dumaan kay Jollibee at kumain muna, Tinawag ko si kuya para mag pa refill ng gravy. Naiyamot ako nuong una kasi ngiting ngiti siya pero di naiimik Kaya napatingin na ako sa mukha nya at pinatingnan nya ang nakasabit”

Humingi ng paumanhin ang netizen sa kaniyang pagtawag dito dahil agad niyang napansin ang nakasabit na karatula sa service crew, tila naintindihan naman ng service crew na si Frederic ang nais ipahiwatig ng netizen na humihingi ito ng paumanhin sa kaniyang inasal

Sa kniyang ngiti ay ipinapahiwatig nito na naiintindihan niya ang netizen marahil ay bago lamang sa kaniya na may nag ta-trabaho palang P W D sa loob ng nasabing fastfood.

Saad pa ng netizen habang humihingi ng pahintulo’t sa service na kumuha ng larawan “Super nakaka amaze kasi nakakapagtrabaho siya.

Kahit hindi siya nakakaimik “HANGANG HANGA NA TALAGA AKO KAY JOLLIBEE.” Kahit problemado ako ay napangiti ako dito”

Dahil sa larawang ibinahagi ng netizen ay marami ang nakakuha ng atensyon nito at hindi maiwasang mag komento sa naturang post

“D naman tlaga dapat tinatanggihan ang mga taong may kapasidad mag trabaho khit pa P W D dto lang sa atin madalas may diskrimasyon sa ibang bansa gat kya mo pd ka mag trabaho, dto sa age limit pa lang pra ka nang walang alam pag d pasok ang age sa qualification,,parang wala kn karapatang mag trabaho kapag age 28 at nawalan ng work d n makapag apply ulit sa iba, buti nawala na ung age limit dto”.

“sana marami pang companya ja tumatangap na katulad ni kuya, salamat Jollibee”.

Service Crew Ng Jollibee, Hinangaan Ng Pakainin at Tulungan Ang Isang Taong May Kapansanan Na Pasilip-silip Lamang Sa FastFood Restaurant

Kaagaw-agaw pansin nga ang ginawa ng isang binatang service crew ng isang fastfood chain mula ng alalayan at pakainin ang isang may ƙαραɳʂαɳαɳɠ lalaki dahil sa ito’y gutom na gutom na. Ang service crew na lalaki ay tapos na sa kaniyang gawain at balak na sanang umuwi ng mga oras na iyon ngunit napansin niya ang nakaupong lalaki sa loob ng fastfood chain na kaniyang pinagtatrabahuan.

Naramdaman ng service crew na mukhang sabik na sabik kumain ngunit siya lamang ay tumitingin sa mga taong kumakain at dahil wala itong pera kung kaya’t hindi ito bumibili, ayon sa social media post. Kung kaya’t hindi nag-alinlangan ang service crew na tumungo at tinanong kung siya ba ay kumain na.

Doon niya lamang nahinunaha na hindi pa kumakain ang lalaki at dahil wala itong pera kung kaya’t hindi makabili. Yaon, sa kalagayan ng lalaki naawa ang service crew kahit na ganito man ang kanilang estado ay hindi nag-atubili na bilhan ng makakain ang lalaki gamit ang kaniyang pera at saka ibinigay sa lalaking may kapansanan. Datapwa’t, hindi maayos na maigalaw ang kamay ng lalaki na nagpapahirap sa kaniyang pagkain dahil sa meron itong kapansanan.

Sabi naman ng service crew dito, “Ako na po ang magsusubo sa inyo upang makakain kayo ng maayos.” Labis naman ang tuwa ng lalaki dahil sa ginintuang puso ng service crew na siyang tumulong sa kaniya. Ang kaganapang ito ay nakuhanan ng larawan ng isang netizen na noon pala ay nakasulyap sa pwesto ng dalawa at nakikinig sa service crew. Ang idea ng netizen na ito nakuhanan at naibahagi sa social media dahil nainspire at napahanga ito sa ipinakitang kabutihang loob ng naturang service crew.

Sa nakalipas ring iyon ay mabilis na lumaganap o nagviral ang naturang larawan sa social media at umani ng magaganda at positibong komento mula sa mga netizens. Ilan lang sa kanila ay nagpakita ng paghanga para sa service crew at walang pag-aalinlangang tinulungan ang lalaki. Ang ilang komento ay narito mula sa mga netizens:

“Blessing that you never have imagine are awaiting for you. You will bump on them sooner or later po. Godbless po Mr.Crew.”

“Grabe nakakaiyak madami pa talagang tao na may mabuting puso sa kabila ng lahat.i salute u sir ??? salamat sa mabuting gawain na pinakita mo na walang kapalit……”

“Ang bait mo naman saludo ako sa mga ganyang tao hindi naghihinayang para makatulong sa kapwa maganda ang pagpapalaki ng magulang mo sayo god bless keep safe.”

Grupo ng mga Kababaihan ng Nanimot sa Isang Community Pantry, Iginiit na Hindi Daw Sila Magnanakaw!

Mabilis na nagtrending sa social media ang video kung saan nahuli sa CCTV ang isang grupo ng kababaihan na sinimot ang laman ng iba’t ibang pagkain sa lamesa sa isang community pantry. Nangyari ito sa isang barangay sa Pasig City. Maraming netizens ang bumatikos sa ginawa ng anim na kababaihan dahil tila naging makasarili umano ang mga ito at hindi inisip ang kanilang kapwa.

Ngunit sa isang ulat ng GMA News ay nagbigay ng pahayag ang isa sa grupo ng mga kababaihan na kumuha ng pagkain. Nagpakilala ang babae na si Shawie. Sinabi nito na kaya lamang nila kinuha ang mga pagkain para bigyan din nila ang kanilang kapitbahay at medyo nagtaas ng ito ng boses habang ipinagtatanggol ang kanilang sarili.
“Kaya naming isauli yan! Kung ganyan lang din lang na ilalabas niyo sa social media,” pahayag ni Shawie.

Ayon naman sa isa pang babae na si Ika ay nagtanong daw umano sila kung maaari daw ba silang kumuha. Nagpaalam muna daw sila bago kumuha ng mga pagkain sa community pantry. Kaya daw nila nagawa iyon ay para magbigay din sa kanilang mga kapitbahay. Iginiit din nila na hindi sila magnanakåw.
“Pasensya narin po kung ganon yung naging asal namin pero lilinawin lang po namin hindi kami nagnakaw,” ani ni Ika.

Nagbigay naman ng pahayag ang may-ari ng community pantry na si Carla Quiogue sa grupo nila Shawie, “Hindi lang ‘yung pamilya nila o hindi lang ‘yung street nila ‘yung mga nagugutom. Marami sanang gustong kumuha pero ‘yun nga, di nakakuha kasi kinuha nila lahat.”