
Matandang Lalaki, Hindi na Makatayo at Makapagsalita, Hirap na Pati sa Pagkain at Pag-inom!
Kumalat sa Social Media ang larawan ng isang matandang lalaki na nangangailangan ng tulong. Si Clrarisse Joy Odtuan, isang concerned netizen, ang nabahagi ng larawan ng matandang lalaki nitong Marso 29.
Pinananawagan niya kung mayroong nakakakilala kay Tatay Roberto Baranda, 69-taong gulang. Hinid na umano makatyo at makapagsalita si Tatay Roberto. Maging sa pagkain at pag-inom manlang ng tubig ay hirap na din siya.
“Baka may nakakilala po kay Tatay Roberto Baranda. Hindi na po sya nakakatayo at nakakapagsalita simula kagabi. Pati pagkain at pag inom ng tubig ay hirap na sya.”
Ayon sa mga taong tumutulong kay Tatay Roberto, gusto na umano niyang makauwi sa Bulakan, Bulacan upang makasama na niya ang kanyang anak.
“Ayon po sa mga taong tumutulong tulong kay tatay, gusto raw po ni tatay na makauwi sa bulacan, bulacan para makasama ang kanyang anak. Kasalukuyan syang nakapwesto sa may labas victor ortega-kalentong, Mandaluyong City (katapat ng Market Place). Nawa’y may makatulong po kay tatay. Nangangailangan po sya ng atensyon medikal sa kanyang kalagayan ngayon. Maraming salamat po sa mga taong magbubukas palad upang tulungan si tatay.”
Base naman sa komento, nasagip na umano ang buhay ni Tatay Roberto. “Update po kay tatay roberto. Si tatay po ay narescue na kahapon ng bandang 4pm ng CSWD. Maraming salamat po Councilor Charisse Marie Abalos-Vargasat CSWD sa pagtulong.”
PANOORIN! Lolo, Inabandona ng kanyang mga Pamangkin matapos nyang Alagaan at Pag-Aralin.
Isang matandang lalaki ang nag-iisa sa maliit na barong-barong dahil iniwan ito ng kanyang mga pamangkin matapos nya itong palakihin at pag-aralin.
Si Tatay Ruben na 68-anyos at naninirahan sa sira-sirang barong-barong sa gitna ng gubat mag-isa.
Ayon kay Tatay Ruben ay wala umano syang asawa at anak at ang kanyang magulang at mga kapatid ay pumanaw na kaya sya na lang namumuhay mag-isa.
Noong kabataan nya raw ay sagana ito sa buhay at may magandang trabaho kaya inalagaan nya ang apat nyang pamangkin at pinag-aral. Sya umano ang nagbabayad ng mga tuition fee ng mga ito.
Nalulungkot si Tatay Ruben habang kinukwento na hindi nya na makita ang kanyang mga pamangkin. Ngayong matanda at mahina na sya, kailangan nya ng tulong ng mga ito pero kinalimutan na raw sya ng mga ito at meron na ding sari-sariling Pamilya.
Ang gusto lang ni Tatay Ruben ay maayos na matitirhan para kahit umulan o bumagyo ay hindi sya mababasa.