Sikat na Youtuber Ranz Kyle, kinainggitan ng mga netizens dahil sa beauty queen nitong GF

Si Ranz Kyle ay isa sa pinakasikat na social media influencer ngayon, isa ka ba sa mga fans niya?

Si Ranz Kyle ay kilalang kilala sa Youtube, lalo na sa kanyang talento sa pagsayaw. Si Ranz ay higit na nakilala nung nabuo ang sikat na Youtube Dance Duo na Ranz and Niana.

Si Niana ay step-sister ni Ranz.

Hindi maikakaila ang talento ni Ranz pagdating sa pagsayaw. Kaya naman nakahakot siya ng milyon milyong fans.
Dagdag pa ng kanyang sense of humor, kaya naman tinitilian ng mga kababaihan.

Noong 2000, sumubok din si Ranz sa showbiz at napabilang sa isang all-boy group
Iyon ang dahilan kung bakit naging heathrob at kinakikiligan ng maraming mga kabataang babae magpahanggang ngayon.

Pero sorry girls, mayroon nang nagmamayari ng puso ni Ranz. Simula ng lumabas ang sinasabing girlfriend ni Ranz sa isang video greetings noong kaarawan niya, marami ang biglang nagkainterest na malaman kung sino nga ba siya.

Sa aming pag sesearch, napagalaman na ang babaeng tinutukoy ay si Millissa Grande. Isang Filipina model at sikat na singer sa Tarlac.

Nag migrate ang family ni Milissa sa Canada noong maliit pa lamang siya. Dun na siya lumaki at gumawa ng sariling pangalan sa napiling career.

Hindi lang ganda ang mayroon si Millissa, mayroon din siyang puso ng isang beauty queen.

Kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit siya ang napiling kumatawan bilang Miss Canda sa isang International Beauty Pageant dati.

Ngunit matapos ng beauty pageant, pinili niyang magpahinga mula sa Pagmo-modelo at subukan ang iba pang opportunities na dumating sa knya.

Matapos ang viral comment ni Millissa, ang mga fans at supporters ni Ranz ay sinoportahan narin ang kanilang love team.

Ayon sa ilang mga sources,  pinili nilang manatiling pribado at hindi ibahagi ang kanilang relasyon sa publiko upang maiwasan ang ilang mga isyu.

Para lamang sa ilang karagdagang impormasyon tungkol kay Millissa, sumali siya sa sikat na singing talent contest sa Its Showtime, ang Tawag Ng Tanghalaan.

Beauty, talent, and brains! Isang halimbawa ng ideal girlfriend ng mga kalalakihan. Paniguradong marami ang naiinggit ngayon kay Ranz at napapa SANA ALL na lang talaga.

Kilalanin ang artistahin at napakagandang anak ng Eat Bulaga Host-Comedian na si Wally Bayola!

Lingid sa kaalaman ng publiko na ang anak ni Dabarkads Wally Bayola ay artistahin din.

Isa sa sikat at napaka talentadong komedyante si Dabarkads Wally Bayola na ka-duo ng isa rin sa sikat na komedyante ngayong henerasyon na si Jose Manalo.

Maraming hindi nakakaalam na meron na siyang limang naggagandahan at nagguwapuhang anak. Isa na rito ay si Lyza Bayola na talaga namang head turner sa kanyang angking kagandahan.

Sa isang Instagram post, binati ni Lyza ang kaniyang ama na si Wally para sa selebrasyon ng kaarawan nitong noong Mayo 3. Kalakip nito ay ang mga larawan kung saan sila ay mga bata pa.

Super fan din si Lyza ng kanyang Daddy, lalo na noong gumanap siya bilang Lola Nidora sa Kalyeserye na nagpakilig sa milyong milyong tao dahil sa tambalang ALDUB nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Madalas din noon dumadalaw si Lyza sa Eat Bulaga Studio at nakabonding narin niya ang mga co-host ng kanyang ama sa Eat Bulaga. Base sa kanyang social media ay close din ito kay Alden Richards.

Si Lyza ay may isang anak na din na babae na ngayon ay limang taon na.

Marami mang napandaanang pagsubok ang pamilya ni Wally ay naging matibay parin ang samahan nila ng kanyang asawa at mga anak.