Home News Siyam na magkakapatid na dating nakatira sa kubo, dahil sa pagtutulungan nakapagpatayo...

Siyam na magkakapatid na dating nakatira sa kubo, dahil sa pagtutulungan nakapagpatayo ng dream house para sa kanilang mga magulang

Nakakatuwang makita at balikan ang ating nakaraan lalo na kung ito ay ating napag-tagumpayan. Gaano man kahirap ang ating pinagdaanan, madami man luhang umagos sa ating mga mata, dugo at pawis na nawala, malampasan lamang ang pagsubok sa buhay. Masasabi nating, worth it ang lahat ng ating mga pagod. Lalo na kung ito ay para sa kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay. Ibinahagi ng isang netizen sa isang Facebook group na Home Buddies, ang kwento ng kanilang pamilya at kung paano nila napag tagumpayan ang kahirapan sa buhay.

Ayon sa netizen na si Sar Calva, nais nyang magbigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan na dumadanas din ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay.

Ayon sa kwento ni Sar, siyam silang magkakapatid, at mula sa isang mahirap na pamilya lamang.

Ngunit sa kabila ng isang kahig, isang tuka na pamumuhay, pinapahalagahan ng kanilang mga magulang ang kahalagahan ng eduksayon nilang magkakapatid. Kaya naman todo kayod sa pagta-trabaho ang kanilang mga magulang.

Yung kahit, kulang ang kanilang kita mula sa kanilang mga paghahanap buhay, na kahit hindi ito sapat para sa kanilang pagkain, mas importante pa din ang mapag-aral silang siyam na magkakapatid. *


Lumaki sila sa isang barong-barong na bahay, hindi naging kumportable ang kanilang pamumuhay habang sila ay lumalaki.

Nariyan na yung naranasan nilang magpalipat-lipat ng tirahan, nakitira sila sa ibang bahay at palayasin, naranasan din nilang mamuhay sa bundok, walang kuryente at malayo sa kabihasnan.

Hanggang sa nagkaroon na sila ng maliit na bahay na naipundar ng kanilang mga magulang, ngunit ito ay barung-barong lamang.

Pero kahit na maliit ang bahay na ito, dito sila nagsimulang mangarap, silang siyam na magkakapatid, ay may kani-kaniyang pangarap na balang araw ay magkakaroon din sila ng sarili nilang bahay at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga magulang.

Nagsumikap silang mag-aral hanggang sa makapagtapos sila at nagkaroon ng kani-kaniyang trabaho at mayroon na rin silang mga sariling pamilya.

Ngunit hindi nila kinalimutan ang kanilang pangako para sa kanilang mga magulang, bagaman wala na sila sa kailang piling, pinagawa nila ang kanilang ancestral house, kung saan ay tulong-tulong silang magkakapatid sa pagpapa-ayos dito. *


Bagaman wala na ang kanialng mga magulang, sigurado naman silang masaya ang mga ito dahil natupad ang kanialng mga pangarap at sobrang proud sa kanilang mga magkakapatid.
Narito ang kabuuan ng post ni Sar Calva sa Facebook group page na Home Buddies:
“Hello mga ka HB!
Let me share our story, not to brag but to inspire and to give motivation to us all. We came from a poor family. We are 9 siblings (do re me). Our parents value Education – so even our situation is like kulang pa sa pagkain ang kinikita nila they still sent us to school..we never complained the hardships in life, each of us(siblings) experienced the difficulties and different trials.

We grew up without a comfortable house. Na experience namin na nakikitira sa ibang bahay at pinapaalis, na experience namin na tumira sa bundok ,walang kuryente malayo sa mga tao..nagkaroon kami ng maliit na bahay pero it looks like temporary hindi sya tapos. *

Dahil sa sitwasyon namin, lahat kami nangarap na magkaroon ng sariling bahay someday, nangarap na mabigyan ng magandang bahay ang parents namin.

Fast forward lahat kmi nakapagtapos ng pag aaral, nagkaroon ng trabaho at nagkaroon din ng mga sariling pamilya..May mga sariling bahay na rin kmi pero ang e – po post ko dito hindi un mga sariling bahay namin kundi ang ANCESTRAL HOUSE namin na ginastusan ng Isang Kapatid namin (thank you Andj Lina ). Sad nga lang dahil nasa heaven na ang parents namin. Pero kahit wala na sila alam namin they are happy kasi pangarap nila ito. Sa panganay naming, salamat at kahit hindi sya architect pero sya ang nag paplano sa design sa bahay in collaboration sa mga ideas naming magkapatid. Salamat sa ibang mga kapatid na bumili ng mga gamit sa bahay, Salamat sa parents namin na kahit wala na sila pero we can still feel their guidance at higit sa lahat Salamat kay Lord God for All the blessings, guidance and protection.

Lahat tayo may karapatang mangarap kahit mahirap tayo, all our dreams are valid. “

73-Anyos na Tindero ng Pastillas at Polvoron, Malapit Nang Ma-achieve Ang Kanyang Dream House!

May kanya-kanya tayong pangarap sa buhay. Simula bata pa lamang tayo, ay mayroon na tayog iba’t ibang desenyo ng pangarap natin bahay. Minsan pa ay idino-drawing natin ang ating ‘dream house’ sa papel at kinukulayan pa natin. Kaya naman, kinakailangan nating magsumikap sa buhay para makamit natin ang ating mga pangarap.

Katulad na lamang ni Lolo Pops na isang tindero ng polvoron at pastillas. Si Lolo Pops ay 73-anyos na pero pinatunayan niyang hindi basehan ang edad sa pag-abot ng pangarap. Sa pamamagitan ng pagtitïnda ng pastillas at polvoron ay unti-unti niyang napapagawa ang kanyang ‘dream house’.

Taong 2016 nang mag-viral sa social media si Lolo Pops dahil sa paglalako nito noong ng lollipops sa labas ng eskwelahan sa Angeles, Pampanga.

Ngunit nang magkaroon ng pand3mya ay nagsara ang pagawaan ng candy kaya siya tumigil muna. Ngunit hindi pa rin siya sumuko bagkus ay ipinagpatuloy pa rin nya ang paghahanapbuhay.

Sa loob ng isang taon, ang katas ng pagtitïnda ni Lolo Pops ng pastillas at polvoron ay nakapagpagawa na siya ng kanyang pangarap na bahay.

Ayon sa concerned netizen na si Mia Arias, nasa 62,400 followers na umano ang Shopee ni Lolo Pops. Mataas din umano ang rating ng produkto ni Lolo Pops dahil masarap ang mga paninda nito.

Ina Sinisikap Pa Ring Makapagtrabaho Kahit Sa Edad Na 83 Years Old Para Lang Sa Kanyang Anak

Wala talagang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Tiyak na titiisin ng isang ina ang lahat ng sakripisyo mabuhay lamang ang kanyang anak na walang hinihintay na kapalit.

Katulad na lamang ng istorya na ito ng mag-ina na si Jacinta at Kristina Balagtas.

Ang 83 taong gulang na si Nanay Jacinta “Sinta” Balagtas ay kinakaya pa ring maglako ng mga gulay araw-araw para mabuhay ang kanyang bμlαg na anak na si Kristana. Kahit sa ganitong edad ay tinitiis niya ang makapaghanap buhay para mayroon silang mapangkain araw-araw.
Kada 4am ng madaling araw ay aalis na si Nanay Jacinta ng bahay upang mamili ng mga gulay sa Divisoria. At dako ng 7 hanggang 8am ay magsisimula na siyang magtinda ng mga gulay sa mga eskinita ng Navotas gamit ang kanyang maliit na kariton.

Sa kanyang edad ay hirap na siyang makatayo ng matuwid lalo na’t tinutulak pa niya ang kanyang mabigat na kariton sa mga lubak-lubak na daan mailako lamang ang kanyang mga panindang gulay. Sa buong araw ng pagtitinda ay kumikita lamang siya ng Php200 hanggang Php300 kada araw.
Ang perang ito ay ang ginagamit nila ng kanyang anak upang may ipangbili ng makakain. Bukod kay Krisanta ay mayroon pang ibang mga anak si Nanay Jacinta ngunit ayaw niyang humingi ng pera o umasa sa mga ito dahil mayroon na rin silang kanya-kanyang mga pamilya.

Kung iisipin ay napakahirap ng buhay nilang mag-ina dahil walang ibang aasahan ang kanyang anak kung hindi ang kanyang ina. Kahit na si Nanay Jacinta ay nakakaranas din ng sariling karamd1aman tulad ng hypertensi0n ay hindi niya ito iniinda at iniinuman na lamang niya ito ng gamot at saka tuloy pa rin ang pagtatrabaho.
At ang hiling lamang ng mapagmahal na ina ay sana ay humaba pa ang kanyang buhay upang maalagaan pa niya si Krisanta dahil kung nawala na siya kawawa rin ang kanyang bulag na anak dahil wala nang mag-aalaga dito.