Home News Tiktok Influencer, trending matapos ipakulong ang lalaking ‘nagsoli’ ng kanyang nawalang cellphone

Tiktok Influencer, trending matapos ipakulong ang lalaking ‘nagsoli’ ng kanyang nawalang cellphone

Usap-usapan ngayon sa social media ang TikTok influencer na si Hazel Grace Edep.

Ito ay matapos niyang ipakulong ang lalaking nakapulot umano ng kanyang cellphone.

Sa post ni Hazel sa kanyang TikTok video, sinabi niya dito na nawala ang kanyang phone kaya nanawagan siya ng tulong.

Sinabi pa niyang bibigyan niya ng reward ang sinumang makakita at magsauli nito.

At nitong nakaraang araw lang ay may lalaking nakapulot ng kanyang cellphone na nagngangalang Angelito Martin Amor.

Nagpakita si Hazel kay Martim para kunin yung cellphone at ibinigay naman daw ang pinangakong reward. Ngunit nang tinanggap na ng lalaki ang reward, agad siyang pinosasan at ikinulong dahil sa ‘R0b’bery Ext0rti0n”

Kasunod ng pangyayaring ito, nagpost ang kapatid ni Martin at sinabi niya rito na isang hamak lang na tricycle driver ang kanyang kapatid na nagmamalasakit lang kay Hazel.

Kaya naman umani ng batikos si Hazel sa social media.

May ilan pang nagsabi na dahil sa kanyang kapabayaan ay may inosenteng tao ang nadamay.

Nagpakita lang umano ng kagandahang loob ngunit napasama pa ang pagtulong nito.

Samantala, nagpost naman ang kasintahan ni Hazel na si Jhon Michael Cuizon upang ipaliwanag ang buong pangyayari.

Aniya, nagpunta sila ni Hazel noong July 14, 2021 sa Divisoria sa Manila at napansing nawala ang cellphone nito.

Tinawagan nila ang cellphone ni Hazel at sumagot ang isang lalaki, sinabi nina Cuizon na P7,000 ang pabuya ngunit P50,000 ang ‘di umanong hinihingi ng lalaki at sinabing pupuntahan sa bahay si Hazel para kunin ang pera at baka mag’aha’sa pa raw niya ito.

Kaya nama’y nagpunta sila sa CIDG para humingi ng tulong. Tinulungan silang ma-entrap ang lalaki nang makipagkita sila rito para maibigay ang pabuya at makuha ang cellphone.

Narito ang kabuuan ng post ni Cuizon:

Lalaking May Ka-Relasyon Na “6-na-taon at Ikakasal Na Sana,” Pinagpalit Si GF sa 2-weeks Lamang Na Nakilala Sa Isang Online Games

Parang sinukluban ng langit at lupa ang di nagpakilalang bride to be sa Facebook nang malaman nito ang buong katotohanan.

Sino ba namang di magagalit sa ginawang panloloko ng kanyang partner pagkatapos siyang ipagpalit sa kaduo nito sa Mobile Legends na 2 weeks palang niyang kakilala. Parang itinapon nalang nito basta-basta ang 6 na taon nilang pinagsamahan.

Buwan nalang sana ang hihintayin bago sila ikasal. Ang bride-to-be pa nga ang mismong nagdisenyo ng kanyang gown na isusuot para wala itong kapareha ngunit naglaho ang lahat ng iyon pagkatapos niyang malaman ang buong katotohanan.

Ayon nga sa linya ng sikat na kanta ni Moira na ‘Pinapaubaya ko na sa kanya’, ay ang siya talagang ginawa niya.

Halo-halong reaksyon ang naramdaman ng mga netizens. May nakisimpatya, nagalit at naka-relate sa naturang post.

Narito ang naging caption at basahin ang convo:

Masakit man isipin, pero kailangang tanggapin na may mga taong darating sating buhay na di nakatadhana para satin.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.