Toni Fowler buong pusong sinuportahan ang ex-BF na si Rob Moya para sa surpresa nito sa bago niyang kasintahan

Ipinakita ni Toni Fowler ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.

Bagamat hiwalay na si Toni sa kanyang dating partner na si Rob Moya, buong puso pa din ang pagsuporta nito para sa binata.

Kamakailan nga lamang ay si Toni pa mismo ang nag-arrange ng surpresa ni Rob para sa kanyang nililigawan.

Sa condo kung saan naninirahan ang ToRo family ginanap ang nasabing surpresa ni Rob para sa bago nitong kasintahan na si Jennifer Del Rosario.

Si Toni ang nag-ayos ng mga rose petals na ginawa niyang hugis puso. At habang inaayos niya ito ay ibinahagi niya ang kanyang nadarama.

Ayon kay Toni naging emosyonal siya dahil masaya siya para sa bagong pag-ibig ni Rob. Ito daw kasi talaga ang hinihiling niya para sa dating nobyo.

Dahil aminado siya na sa naging relasyon nila noon ay nasaktan din niya ang binata. Kaya naman para makabawi siya sa mga nagawa niya sa nakaraan ay full support ang ibinigay niya rito.

Maging ang anak niyang si Tyronia ay tumulong sa paghahanda para sa sorpresa. Lingid umano sa kaalaman ni Jen ang sorpresang ito dahil inakala nitong simpleng meet-up lang ang kanilang gagawin.

At sa kanila ngang unang pagkikita ay tila nagkagaanan na ng loob ang dalawa. Ayon kay Toni, masaya siya at hindi intrimitida ang bago ni Rob.

Pinasalamatan din ni Toni si Jen sa pagpapasaya nito kay Rob matapos ang masalimuot na pagbabangayan nila.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang ginawang ito ni Toni.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Naiiyak aq. I know now why Toni Fowler is being blessed continuously”

“Sakit neto kakalungkot makita yung mag ina na nasagilid at taga palakpak nalang ng lalaking minsang naging sakanila”

“ramdam ko deep inside nasasaktan din si mommy oni kasi naging big part si daddy rob sa buhay nilang mag ina”