Home News TRENDING! Jonahrenz Jacob, Sinabihang Puro Puro Kultura Ang Hiphop At Wala Naman...

TRENDING! Jonahrenz Jacob, Sinabihang Puro Puro Kultura Ang Hiphop At Wala Naman Daw Pera!

Isang youtube vlogger ang gumawa ng ingay matapos maliitin ang Hiphop.

Si Jonahrenz Jacob ay isa sa mga youtube vloggers ngayon at leader ng BruskoBros. Dahil sa mga nakakatuwang videos nito ay umaani ito ng daan daang libong views bawat upload nito. Mayroon na rin itong mahigit 2.5M subscribers sa kanyang youtube channel.

Trending ngayon sa social media ang inupload nitong video habang ito ay nag-rarap. May ilang natuwa dahil pinapasok na niya ang industriya ng rapping ngunit karamihan ay binatikos ito at nakatanggap ng negatib0ng komento.

Lalo itong pinag-initan ng mag-post ito ukol sa kakayanan ng mga rapper.

“PURO KAYO KULTURA NG HIPHOP? EH WALA NAMAN KAYONG MGA PERA! OWSHIII!!!”

Ilang mga fan ng rap nagbigay ng kani kanilang komento ukol dito.

“Culture is not about money, it is about how people practice things that makes it authentic and unique.”

“Yung pero mo jonah mamawala pero yung talento sa hiphop ay legacy na madadala mo sa hukay.”

Pinagtanggol din ni Hiphop Artist na si Rich Flo ang mga kapwa niya rapper at gumawa ito ng sagot kay Jonahrenz sa pamamagitan ng isang rap.

Inulan ito ng papuri mula sa kanyang fans.

“That vibe woooh! Umisa na si Kuya Rich ???????”

“Salute kuys sa pag mamahal sa kultura???”

“PARA SA HIPHOP!!! ❤️❤️❤️❤️”

“Respeto para Kay Idol Rich Flo… Nakakanta na yan sa Wish Bus at may pagmamamhal sya sa Hiphop! Kesa sa mga Brusko na puro Pera ! Ang Pera, kikitain Yan eh ang Respeto mahirap anihin Yan ! Salute Idol ???”

Janus del Prado, Nakatanggap ng Death Threats Dahil sa Rebelasyon Tungkol kay Gerald at Pia

Mukhang hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nakakamove-on sa relasyon ni Bea Alonzo at Gerald Anderson. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang di umano’y ginawang panggo-ghosting ni Gerald kay Bea. Ngunit ayon mismo sa best friend ni Bea na si Janus del Prado, hindi lamang iyon ang ginawa ni Gerald habang magka-relasyon sila.

Kamakailan lang ay isiniwalat ni Janus ang di umano’y naging fling ni Gerald Anderson sa leading lady nitong si ‘P’ noong 2018. Hindi niya man ito pinangalanan, napaisip ang mga fans kung si Pia Wurtzbach nga ba ang tinutukoy ni Janus. Matatandaang nagsama sa “My Perfect You” si Pia at Gerald.

Read More: Lola na Balut Vendor, Tinanggihan ang Regalong Magandang Bahay Mula sa Kanyang Anak! Bakit Kaya?

Noong mga panahong iyon ay umugong rin ang usap-usapan matapos i-unfollow ni Bea sa Instagram si Gerald at Pia. Dagdag pa ni Janus, pinagtanggol pa nila si Gerald sa kanilang kaibigan, ngunit hindi nagtagal ay lumabas rin ang totoong ginawa nito.

“Sabihan niyo kasi yang pa-victim niyong master na wag manipulahin yung mga tao sa paligid niya at pag away awayin para lang mapagtakpan yung milagro na nila ni P sa set ng MPY. Pinagtanggol pa naman namin lahat siya kay B. Muntikan pa tuloy masira ang pamilya ng OMC. Pa FO na eh, buti naisalba pa. Nyeta ka,” pahayag ni Janus sa Instagram.

Dahil sa kanyang mga rebelasyon ay nakatanggap rin ng death threats si Janus sa social media. Ayon dito, ang mga troll accounts na bumabatikos sa kanya ay repleksyon lamang ng artistang iniidolo nila.

“May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha! Eto bang mga artistang may ganitong fans ang dapat nakikita sa TV at binibigyan ng endorsements. Oh well. I guess kung ano yung idol ganun din ang fans. Hintayin ko yang tokhang mo ah. Baka tokwa lang yan,” pabiro pang dagdag ng aktor.

Read Also: Mark Herras, Nagsalita na! Pinaringgan si Lolit Solis sa Isyung Pangungutang Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.