Home News Watch | Mahal, Sasagutin ang Pang-Therapy ni Murå Para Makalakad na Ito...

Watch | Mahal, Sasagutin ang Pang-Therapy ni Murå Para Makalakad na Ito ng Maayos!

Sunod-sunod na nga ang mga biyayang natatanggap ng dating artista at komedyanteng si Murå. Matatandaan na kinamusta ng isang vlogger ang kalagayan ni Murå at dito napag-alaman na mahinå na ang mga binti ni Murå dahil sa nangyaring aksidënte noon sa kanya. Dahil dito, ay binigyan siya ng vlogger na si Virgelyncares ng tulong, ang tulong na iyon ay mula sa kinita umano niya sa facebook at youtube.

Sa isang vlog naman ni Mygz Molino, ay pinuntahan niya kasama ang dating ka-loveteam ni Murå na si Mahal, sa kanyang tahanan. Naging masaya ang muling pagkikita ng dating magka-loveteam. Dito rin ay binahagi ni Mygz ang buhay ni Murå matapos na mawala sa showbiz.
Nitong Agosto 20, mula sa vlog ni Mahal, ay binigyan naman niya ng mga grocery items si Murå. Nag-abot din siya ng pera para sa pang gastos nito.
Hindi naman napigilan ni Murå na mapaluha dahil sa saya dulot nila Mahal na nagpunta sa kanyang tahanan para kamustahin at magbigay ng tulong sa kanya.
Bukod sa mga grocery items at cash, ay sasagutin din ni Mahal ang pang-therapy ni Murå para makalakad na ito ng maayos. Umaapaw naman sa tuwa ang nararamdaman ni Murå. Lubos din ang pasasalamat niya kay Mygz Molino at kay Mahal na hindi nakalimot sa kanya.

Watch | Murå at Mahal, Kinaaliwan ng mga Netizens sa Muli Nilang Pagkikita!

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang kalagayan ni Allan Padua o mas kilala bilang “Murå”. Siya ay isang aktor at komedyante ngunit natigil ang kanyang karera sa showbiz nang maåksidënte siya at maapektuhån ang kanyang binti. Mahina na rin umano ang kanyang katawan para sumabak pa sa mga pelikula. Ang buong kuwento ay ibinahagi ng vlogger na si Virgelyncares 2.0 sa kanyang Youtube channel.
Nitong Agosto 15 ay ibinahagi ni Mygz Molino sa kanyang Youtube channel ang muling pagkikita nina Murå at Mahal.

Si Noemi Tesorero o mas kilala bilang “Mahal”. Siya ang ka-love team noon ni Murå. Si Mahal ay isa ring aktresat komedyante. Kahit na may edad na ang dalawa ay hindi pa rin sila nakakalimot sa isa’t-isa. Sa katotohanan ay pinuntahan ni Mahal kasama si Mygz ang dating ka-love team na si Murå.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“To Mahal: To think na nagTravel k ng napakalayo sobrang hirap ang daan para kumustahin ang isang kaibigan, napakalaki ng pagtingin at respeto ko sau. Enjoy ur reunion with Murå”
“Salute to you Migz! For all the efforts and sacrifices for Mahal. May the good Lord bless you hundred folds.”

“Ang cute nyong tignan,you’re the best couple ever,that is the power of true love,wag lang sana kayong magbago sa isat isa,god bless”
“Thank you, Mygz for making this happen. Without you, this reunion wouldn’t be happen. God bless! So good to see Mahal and Mura being together again. They really reminds me of my childhood.”