Home News What a coincidence! Paolo Contis, Gerald Anderson, at Aljur Abrenica, pare-parehong pinanganak...

What a coincidence! Paolo Contis, Gerald Anderson, at Aljur Abrenica, pare-parehong pinanganak sa buwan ng Marso

‘Yan ang unang reaksyon ng mga netizens. Nang malaman na magkakapareho din pala ng buwan ng kaarawan sina Gerald Anderson, Paolo Contis at Aljur Abrenica.

Ito ay dahil sa post muli ng Facebook page na The Scoop.

Saad nila sa kanilang caption, “What a coincidence! Paolo Contis, Gerald Anderson, at Aljur Abrenica, pare-parehong pinanganak sa buwan ng Marso.”

Kalakip nito ay ang mga larawan ng tatlong aktor. Si Paolo ay ipinanganak noong March 14, 1984.

Si Gerald naman ay March 7, 1989. At si Aljur ay March 24, 1990.

At dahil dito muli na namang binigyan ng ibang kahulugan ng mga netizens ang nasabing post.
Matatandaan na kamakailan lang ay trending din ang naunang post ng The Scoop tungkol sa tatlong aktor.
Ito naman ay nang nakasakay sila sa motorsiklo at ang tanong naman “Sila ‘yung mga poging susundo sa’yo, kanino ka aangkas?”

Pinutakte din ng komento ang nasabing post at ipinagkumpara din ng madami ang tatlong aktor.

Binalikan din nila ang mga nangyari sa bawat karelasyon ng mga ito.

Gerald kay Bea. Si Aljur naman sa misis niyang si Kylie at si Paolo ay kay LJ.

Nauna na rito ang pagkukumpara din sa tatlong aktres na sina Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos.

Aljur Abrenica, Gerald Anderson at Paolo Contis pinagpepyestahan ngayon sa social media

Kanino ka nga ba aangkas? Kay Gerald Anderson, kay Aljur Abrenica, o kay Paolo Contis?

Muli na namang nabuhay ang mga Maritess sa Facebook. Ito ay dahil sa sunod sunod na hiwalayan ng mga celebrities.

Kamakailan nga lamang pinagkatuwaan ng mga netizens ang mga litrato nina Yen Santos, Heaven Peralejo at Julia Barretto.

Sa post ng Facebook page na The Scoop ay tinanong dito kung sino sa tatlong aktres ang mas magandang tignan habang nakasuot ng itim na sando.

Binigyan naman ito ng ibang kahulugan n maraming netizens. At nasabi pa ngang kay Yen na naipasa ang korona.

Samantala, matapos ng tatlong aktres ay tatlong aktor naman ngayon ang pinagkakatuwaan ng netizens.

At ito ay sina Aljur Abrenica, Gerald Anderson at Paolo Contis. Sa post muli ng The Scoop ay ang tatlong aktor naman ang pinagkumpara nila.

Saad sa kanilang caption, “Sila ‘yung mga poging susundo sa’yo, kanino ka aangkas?”

Kalakip nito ay ang mga litrato ng tatlong aktor habang nasa tabi ng kani-kanilang motorsiklo.

At muli ay pinutakte na naman ng mga netizens ang comment section ng nasabing post.

Kung matatandaan ang tatlong aktor ay sangkot at naging trending ang mga naging hiwalayan nila sa kanilang mga partner.

Ang hiwalayan nina Aljur at misis na si Kylie Padilla ay talaga namang pinag-usapan sa social media.

Mismong ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang nagbunyag noon sa estado ng relasyon ng dalawa.

Si Gerald naman ay hindi makakalimutan ng madla ang naging hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Ilang taon ang lumipas ay naging sila naman ng nobya niya ngayon na si Julia Barretto.

Samantala, ngayon naman ay talk of the town ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Kung ikaw ang tatanungin kanino ka nga ba aangkas?
>