Home News Wow: Grab Driver Namimigay Ng Libreng Pagkain, Gamot Sa Kanyang Mga Pagod...

Wow: Grab Driver Namimigay Ng Libreng Pagkain, Gamot Sa Kanyang Mga Pagod Na Pasahero

Ang mga Grab Driver ang ating nasasandalan kapag tayo ay lasing, walang makuhang sasakyan, o pag may meeting na kailangan ng madaliin, ang Grab Driver ang ating lagimg tinatawagan upang puntahan tayo sa ating lugar.

Kamakailan lamang sa isang Facebook post ng isang netizen na si Che Rubio-Abando na nag viral sa social media matapos niyang ikwento ang naranasan niya nang siya ay sumakay sa Grab.

Kwento ni Abando, ang nasabing Grab ay mayroong pagkain at inumin sa loob ng kaniyang sasakyan para sa mga pasahero.

Tinanong din niya ang Grab Driver kung hindi ito nalulugi sa kaniyang ginagawa, ngunit ang tugon lang nito ay madali lang kitain ang pera na kaniyang nauubos para sa mga stocks ng pagkain, ang mahalaga lamang sa kaniya ay mapasaya at mabusog ang mga sumasakay sa kaniyang sasakyan.

Kwento din ni Abando na ang sasakyan ng Grab ay mayroong front camera para na rin sa seguridad at proteksyon niya pati na rin ang kaniyang mga pasahero. Eto din daw ang paraan kung sakaling ireklamo siya ng kaniyang mga pasahero na siya ay nag tatake advantage kapag sila ay lasing.

Sa kabilang banda, marami sa mga netizens ang natuwa sa ginagawang kabutihan ng Grab.

Narito ang buong kwento ni Che Rubio-Abando:

Ang cool ng nasakyan ko na Grab. Hindi ka magugutom pwede ka din matulog ng kumportable ka dahil may unan at kumot kung kakailanganin mo. Tinanong ko si kuya driver Kung magkano ung mga food since wala pa ko breakfast gusto ko bumili.. sagot ni kuya

“Ma’am libre po yan. Kuha lang kayo ng gusto nyo. May mineral water na din po dyan. May biogesic din po sa medicine kit kung masakit ulo nyo”

Me: kuya pano yan kung ubusin ko lahat ng pagkain mo dto?! (Sabay tawa ko)

Kuya Grab: ma’am ngyari na po yun. Ung pasahero ko inubos lahat. Almost 3k ng stocks ko na mga food pati mga magazine. Sa 80pesos na binayad nyang pamasahe pero ok lang naman yun.napaghandaan ko na po yun since pwede naman talaga mangyari. Bumaba sya na nagpasalamat pa dahil may mga baon na daw yung anak nya. Saken naman ma’am madali naman kitain yun. I’m not into money naman talaga masaya lang talaga ko sa ginagawa ko.  Tsaka ung mga food pag may namamalimos yan na din pinangbibigay ko.

Me: Hindi ka ba malulugi nyan kuya?

KuyaGrab: madali naman kitain ung pera ma’am.

**Nakakalungkot lang may mga pasaherong abusado purkit libre.  Sana wala na gumawa nun sa knya.

May camera din pla sya for protection nya din daw and ng mga pasahero nya. As per kuya Grab baka daw Kasi baliktarin sya ng mga lasing na pasahero na nagtake advantage sya madalas daw kasi babae pa yung naisasakay nya na lasing galing sa mga gimikan,atleast may proof daw sya na wala sya ginagawa sa mga pasahero nya at safe nya na maihahatid.

P.S
Kumuha ako ng Ilan sa mga food nya,then d ko na kinuha sukli ko as bayad nlang din sa kinuha ko kaya wag nyo ko i-judge.

Mga Garbage Collectors sa Cagayan, nag Suot ng Pakpak na Nakita nila sa Basurahan!

Viral ngayon sa sosyal media at nag ani ng maraming papuri, ang mga garbage collector na ito sa Cagayan De Oro City. Matapos kasing may mag bahagi ng kanilang mga litrato na nakasuot umano ng pakpak na para bang mga anghel, galing sa mga basurang kanilang kinokolekta.

 

Ayon kay Gboy Acha na syang nag upload nang naturang mga larawan, ang mga puting pakpak daw na suot-suot ng mga garbage collector ay natagpuan lamang nila sa tambak ng basura na kanilang pinuntahan. Ngunit sa halip na itapon ay isinuot na lamang nila ito habang umiikot sa barangay at nangongolekta ng basura.

Ang ibang mga pakpak ay ibinigay nila sa kanilang mga anak upang gawing laruan. Ang naturang mga larawan ay nakuhanan noon March 20, 2021 pa, ngunit patuloy pading nakakatanggap ng magagandang komento at supporta mula sa mga tao, ang mga masisipa na garbage collector.

Isang Lalaki ang Binigyan ng Php20,000 Matapos nitong Isauli ang Napulot na Bag na Naglalaman ng mga Alahas

Sa krisis na kinakaharap ng mga tao ngayon lahat ng paraan ay ginagawa ng iba upang magkaroon lamang ng pera. Dulot na rin ito ng matinding pangangailangan ng mga tao, kung kaya’t ay iba ay kumakapit na lamang sa mga hindi magandang gawain.

Ngunit sa kabilang banda mayroon pa rin namang mga taong gumagawa ng mabuti sa kabila ng kahirapan ng buhay ngayon.

Kagaya na lamang ng kwento ng isang lalaki na nagpamalas ng kaniyang katapatan sa kabila ng kahirapan na kaniyang pinagdaraanan. Ang lalaking ito ay naka-pulot ng isang bag na naglalaman di-umano ng malaking halaga na mga alahas.

Ang lalaking ito ay si Ener B. Rojo, na nagtatrabaho bilang isang job order sa isang engineering department sa Kapitolyo ng Camarines Norte. Ang nasabing lalaki ay nakatira sa Barangay 3 Daet Camarines Norte.

Ayon sa salaysay ni Ener, may napansin siyang di-umano na isang bag sa labasan ng lotto outlet na kaniyang pinuntahan at agad niya naman itong kinuha. Kaya agad rin niya itong dinala sa tanggapan ng PNP sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Bragy. Dogongan, Camarines Norte. Ito ay upang maisauli sa may-ari, dahil na rin sa pangamba niyang baka hinahanap na rin ito ng may-ari at hindi niya naman kilala kung sino ito kaya mas minabuti niyang dalhin na lamang ito sa tanggapan ng pulis.

Ayon sa tanggapan ng PNP Camp Wenceslao personal na dinala ni Ener ang napulot niyang bag at doon na nila tiningnan ang laman nito.

Laking gulat nila na naglalaman ito ng mga mamahaling alahas na nagkakahalaga ng mahigit Php800,000. Mas pinili ni Ener na isauli ang kaniyang napulot na bag upang maibalik ito ng personal sa may-ari ayon sa PNP Provincial Director ng Camarines Norte na si PCol Marlon Tejada.

Hindi nagtagal naibalik rin sa may-ari ang napulot na bag ni Ener, ang may-ari ng bag na ito na si Mrs. Arceli Apolinario isa ng senior citizen at residente rin pala ng Camarines Norte.

Lubos ang kaniyang pasasalamat kay Ener dahil sa naging katapatan nito na maibalik sa kaniya ang kaniyang bag na punong-puno ng mga mamahaling alahas. Kaya bilang gantimpala ay ginawaran niya si Ener ng Php20,000 bilang kaniyang pabuya sa pagiging matapat nito.

Labis rin ang pasasalamat ni Ener sa kaniyang naging pabuya dahil malaking tulong ito para sa kaniyang pamilya.

Ginawaran rin si Ener ng parangal ni PCol Marlon Tejada para sa kaniyang nagawang katapatan. Tunay ngang si Ener ay isa sa mga good Samaritan kahit sa simpleng paraan. Ang kaniyang katapatan ang nagpapatunay na kahit gaano man kahirap ang buhay ay hindi pa rin dapat gumawa ng masamang bagay.

Nararapat pa rin na pairalin ang kabutihan sa puso ng bawat isa. Kaya naging inspirasyon sa mga maraming netizens ang kaniyang ipinakitang kabutihang-loob.