Home News Yen Santos, muling umagaw ng atensyon sa mga netizens matapos burahin ang...

Yen Santos, muling umagaw ng atensyon sa mga netizens matapos burahin ang lahat ng larawan sa kanyang IG.

Ginulat ni Yen Santos ang mga netizens ng burahin nito ang lahat ng larawan na nakapost sa kanyang Instagram account.

Ngayong Huwebes, September 23, nabigla ang mga fans ni Yen Santos ng bisitahin nila ang IG account nito.

Wipe out kasi ang lahat ng kanyang post sa hindi maintindihang dahilan. May 2 million followers na ang kanyang account.

Kaya naman ipinagtataka ngayon ng marami ang mysterious move na ito ng aktres. Naipost pa nga ito sa isang entertainment site. Na agad umani ng samu’t-saring komento.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:

“Di kinaya ni Ate lahat ng bashing. I’m thinking nagsisisi na sya sa mga ginawa nya.”
“Affected much na Girl? No worry marami ka pang pictures sa google. Lol”

“Still curious anong meron sa kanya bakit ang problematic nya pumili ng jowa? Di sya artistahin levels pero maganda naman sya kung sa ordinaryong tao.”
“Di nalang nag deactivate. Gusto ata din talaga pag usapan eh.”

“Pwede kasi gamitin as reference sa mga resibo. Wala na tuloy tayo magagamit na ebidensya.”

Matatandaan na naging mainit na usapin si Yen nitong mga nagdaang linggo. Siya kasi ang tinuturong dahilan sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Ilang larawan at video nila ni Paolo ang nag viral online kung saan makikitang malambing silang magkasama sa Baguio.

Nagbigay naman ng pahayag si Paolo ukol dito at sinabing pumunta lang sila sa Baguio ni Yen “as a friend.”

Cristy Fermin, diretsang sinabing hiwalay na si Yen Santos sa nobyong politiko!

Isiniwalat ngayon ni Cristy Fermin na matagal na raw na hiwalay si Yen Santos sa ex-boyfriend niyang politiko.

Sa episode ng online show niya na “Take It …. Per Minute, Me Ganun!” kasama sina Lolit Solis at Mr. Fu. Napag-usapan ng tatlong host si Yen Santos.
Ito ay tungkol sa matagal ng napapabalitang karelasyon umano ng aktres na isang mayaman na politiko.

“Teka Cristy, saýo ko ‘to nabasa, wala na ba talaga si Yen tsaka yung…?” tanong ni Lolit kay Cristy.
“Huwag mo na papangalanan,” sagot ni Cristy. “May tumawag kasi sa akin, sa kampo naman ‘to ni Yen, matagal na silang libre.”
“Wala na, hiwalay na sila,” dagdag pa niya. “Matagal na si politiko at saka si Yen na wala na?” tanong naman ni Mr. Fu.

Sagot naman ni Cristy ay matagal na nga daw na hiwalay si Yen sa nasabing politiko. Wala ng sustento at wala ng lahat.

At dugtong pa ni Manay Cristy, yung ipinalit daw ng ex ni Yen ay isang aktres na malapit na raw lumipad.

Gulat naman na tanong ni Lolit na ang tinutukoy daw ba ni Cristy na malapit ng lumipad ay si Darna?

Kinumpirma naman ito ni Cristy at sinabing producer umano ng nasabing serye ang ex-bf na politiko ni Yen.

“Oh di medyo hindi pa matagal na nagkahiwalay si…” tanong muli ni Mr. Fu na sinagot naman muli ni Cristy. “Eh maaaring ang shooting nito, noon pa kasi.”

Matatandaan na noon pa man ay nabalita na, na may karelasyon ngang matandang mayaman na politiko si Yen.

Ngunit magpasa hanggang ngayon ay tikom ang bibig ng aktres tungkol sa isyung iyon. At maging sa isyu nila ni Paolo Contis ay nanatiling tahimik ang aktres.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang show: